DepEd panimulang nakapagtala ng 142K maagang nagpalista para sa SY 2021-2022 sa Rehiyon 1

Provincial

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union – Sa pagpapatuloy ng isang-buwan na maagang pagpapalista sa paaralan, ang Department of Education (DepEd) sa Rehiyon 1 ay panimulang nakapagtala ng may 142,812 enrollees hanggang Abril 24.

Ito ay paunang bilang ng mga maagang nagpalista kung saan naitala mula sa 2,986 paaralan sa Ilocos Region. Mayroong 30,732 ang nagenrol para sa Kindergarten; 52,696 para sa Grade 1; 28,618 para sa Grade 7 at 30,766 para sa Grade 11.

Ang nasabing rehistrasyon ay nagsimula noong Marso 26, at opisyal na magtatapos sa Abril 30. Inulit ni Dr. Cecilia Rosido of the Policy, Planning and Research Division na ang aktibidad na ito ay layong siguruhin na ang mga mag-aaral mula Kindergarten at mga nasabing grade levels ay maeenrol para sa sususnod na school year kahit pa sila ay out-of-school youth, may mga kapansanan, o conflict with the law at kagaya nito.

“This is to ensure all new entrants for Kindergarten, Grades 1, 7 and 11 learners are registered,” ani Rosido. Dagdag niya na, “Gusto rin natin hikayatin yung mga out-of-school youth, persons with disabilities, those living in geographically located areas, victims of child abuse, children in conflict with the law and many others.”

Sa rehiyon, ang DepEd ay nagsasagawa ng parehong remote at in-person early registration. May mga nakahandang registration forms sa mga barangay hall o sa alinmang pinakahayag na lugar sa mga komunidad upang maging madali para sa publiko.

Lubos na gagamitn ang inline platforms gaya ng messaging, email, google forms, Viber, Facebook at kahit tawag sa teelpono upang magawa ang remote registration. “We hold in-person registration for MGCQ areas provided that they will follow the minimum health protocols,” paliwanag niya.

Samantala, base sa ulat, nakapagtala ang DepEd ng kabuuang 205,973 sa nakaraang taon na maagang rehistrasyon at kabuuanh 1,287,192 enrollees mula sa Kindergarten hanggang Senior High School sa Ilocos.

(CGC- PIA LU/PMCJr.-ABN)