Natimbog ng pinagsanib na pwersa ng Baguio City Police Office at ng Pozzorubio police ang tinaguriang kilabot na drug pusher sa lalawigan ng Pangasinan na pinaghihinalaang siya rin ang taga-supply ng shabu sa lungsod ng Baguio.
Kinalala ang suspek na si Arnold Castro Soriano, 48 anyos, tubong Pangasinan at pansamantalang nakatira sa Barangay Irisan sa kanyang live-in partner na si Cherry Lacuata Licaycay, 40 anyos.
Nadakip ang nasabing suspek sa loob ng bahay ng kanyang live-in partner sa Barangay Irisan Purok 12.
Nakumpiska rin ang ilang plastic sachet na may lamang shabu at ilang drug paraphernalia sa loob ng tirahan ng kanyang live-in partner.
Ayon sa pulisya, ang suspek ay miyembro umano ng isang malaking sindikato ng droga na lumilibot sa lalawigan ng Pangasinan at sa lungsod ng Baguio. May tatlong kaso diumano ng paglabag ng illegal drugs ang nasabing suspek. Ace Alegre
April 22, 2017
April 22, 2017
May 11, 2025
May 3, 2025
April 19, 2025
April 12, 2025