Drug target list, nasakote

Nasakote ng tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Baguio City Police Office ang dalawang nasa drug watchlist sa isinagawang buy-bust operation sa San Luis Extension, Baguio City.
Hindi nakapalag ang suspek na si Marian Villamor Rosales, 36 at Leo Sagun Quinto, 23,kapuwa nakatira sa Middle Quezon Hill, Baguio City.
Nakuha sa kanila ang tatlong transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu at buy bust money na P1,000 at P11,000 boodle money.
ZC

Amianan Balita Ngayon