Lalaki sinaksak sa loob ng bar, patay

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang tauhan ng Station 7 ng Baguio City Police Station para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng isang lalaki mula sa isang bar na pinanggalingan nito sa Kayang Hilltop, siyudad na ito.
Ang biktima ay nakilalang si Fausto Vargas Damulo, 42 at nakatira sa Balite, Long Long, Pinsao Proper, Baguio City.
Sa imbestigasyon, nag-responde ang Police Mobile Car 87 sa Kayang Hilltop, matapos ireport na may naganap na kaguluhan sa loob ng D’ Winer’s Videoke Bar, dakong ika-10 ng gabi.
Ang biktima ay lumapit sa nakaparadang patrol car sa may Pinsao Jitneys Terminal at maya-maya ay bumagsak ito sa kalsada.
Agad na lumabas sa sasakyan si P02 Jefree Tacata at nilapitan ang biktima at nakita na nagdudugo ang leeg nito, kaya’t agad nitong tinawagan ang kasama para dalhin sa Baguio General Hospital and Medical Center, subalit idineklara ang biktima na dead on arrival dulot ng hiwa sa leeg, saksak ng patalim sa kaliwang dibdib at kaliwang braso. Ang biktima ay galing sa nasabing bar.
ZC

Amianan Balita Ngayon