SAN IL DEFONSO, Ilocos Sur – Namigay ang Department of Trade and Industry (DTI)-Ilocos Sur Provincial Office ng livelihood start-up kits sa 25 benepisaryo ng Pangkabuhayan sa pag Bangon at Ginhawa (PBG) program dito noong Hulyo 30. Bawat benepisaryo ay tumanggap ng isang sari-sari store package na nagkakahalaga ng PhP10,000.00 para sa kanilang retail business.
Pinamunuan nina DTI Ilocos Sur Provincial Director Grace Lapastora, Sangguniang Panlalawigan Member (SPM) at Committee on Tourism Chairman Virginia “Gina” Cordero-Pe Benito, at San Ildefonso Mayor Christian Daniel “Basi” A. Purisima led ang nasabing distribusyon.
Bago ang pamamahagi ay nagsagawa ang DTI ng isang entrepreneurship seminar upang matuto ang mga kalahok ng tamang entrepreneurial mind-set at kakayahan upang mahusay nilang mapamahalaan ang kani-kanilang retail business.
Layon ng PBG ng DTI na magbigay oportunidad sa mga kasalukuyan at potensiyal na Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) upang maibsan ang epekto ng pandemya ng COVID-19 sa pagbibigay ng livelihhod startup kits at pagsasagawa ng entrepreneurial capability building activity para sa mga benepisaryo.
“Take good care of this blessing, allow it to grow so that it may somehow help you in your daily needs. Not everyone is given this kind of opportunity,” sinabi ni Purisima. Ang San Ildefonso ay ang ika-labing isang munisipalidad sa probinsiya na nabiyayaan ng programa.
Sa ngalan ni Gov. Ryan Luis V. Singson, binasa ni SPM Cordero-Pe Benito ang mensahe ni Gov. Singson sa mga benepisaryo at nagpahayag ng pasasalamat ng pamahalaang panlalawigan sa DTI para sa walang-tigil na suporta nito sa pagpapalakas ng entrepreneurs sa lalawigan.
PIAIS/PMC/ABN
August 8, 2020
August 8, 2020