Mag-asawa, 2 pa nalambat sa drug operation

TABUK CITY, Kalinga – Apat na drug personality, kabilang ang mag-asawa na hinihinalang gumagawa ng marijuana oil, ang nalambat sa magkakasunod na search operation ng magkakasanib na tauhan ng Tabuk City Police Station, Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine Army.
Sa ulat ni Police LtCol Radino Belly, chief of police,kay PCol Devy Limmong, provincial director ng Kalinga Provincial Police Office, nasakote sa operation ang mag-asawang sina Merlyn Guimba Cardenas, 36, listed as “Regional Top Ten Illegal Drugs Personality (RTTIDP) at Kenneth Wanas Cardenas,34, farmer, kapuwa nakatira sa Lacnog,Tabuk City, Kalinga.
Nakuha sa kanila ang 15 small bottles na umano’y marijuana oil, na may street value na P90, 000; 5 small plastic sachet ng shabu; half gallon (almost 2 liters) ng MJ oil, na may street value na P200,000 ai isang medium size plastic na naglalaman ng 250 gramo ng marijuana seeds.
Nasakote naman sa ikalawang operasyon si Clifford Wailan Batawang, 34 farmer, sa kanyang bahay sa Suyang, Tabuk City, Kalinga. Nakuha sa kanya ang 10 small sachet ng shabu na halagang P20,000, kabilang ang isang cal 22 rifle with magazine loaded with twelve live ammos; isang cal 22 magnum revolver loaded with one live ammos and one empty shell at isang cal 45 with magazine loaded with seven live ammos with two extra live ammos placed on a black sling bag.
Ang newly identified na drug personality na si Rufina Guimba,35, ay nasakote sa kanyang bahay sa Lacnog West, Tabuk City, Kalinga.
Ayon pas samga pulis, nakuha sa kanya ang isang bote na naglalaman ng marijuana oil at nakita sa gilid ng bahay nito ang 12 marijuana seedlings na nasa paso.
Zaldy Comanda/Ace Alegre/ABN
 

Amianan Balita Ngayon