Dumarami ang nagpapabooster shot sa pagtaas ng mga kaso dahil sa Omicron

Metro BLISTT

LUNGSOD NG BAGUIO – Patuloy na dumarami ang mga taong nagpapabakuna ng booster doses laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod dahil sa umabot sa bagong record ng mga kaso noong Enero 13 sa gitna ng panibagong daluyong na idudulot ng mas nakahahawang omicron variant.

Sinabi ni Asst. City Health Officer Dr. Celia Flor Brillantes ng City Health Service Office na isang kabuuang 4,230 ang binigyan ng booster shots noong Enero 13, ang pinakamataas mula ng umpisahan noong Nobyembre 16 ng nakaraang taon.

Itinaas nito ang kabuuang nabigyan ng booster sa 55,530 katao.

Sinabi ni Brillantes na ang demand para sa booster shots ay nag-umpisang tumaas noong Enero 6 kung saan nagdulot ang lungsod ng kabuuang 3,951 booster shots at dumami pa sa sumunod na araw, Enero 7 sa 4,142 na umabot sa kabuuang 41,312 ang nabigyan ng booster.

Mula noong Enero 3, napansin na dinudumog ng mga tao ang mga vaccine sites, karamihan sa kanila ay nagatubili na magpabakuna sa panahon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.

Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong na, “This only validates that vaccine acceptability in Baguio is high coupled with the fact that they believe vaccines will protect them from omicron.”

“People are becoming aware of the benefits of boosters. We just have to sustain the supply,” aniya.

Mabilis na dumami angmga kaso ng COVID-19 sa lungsod sa nakaraangmga araw.

Mula 64 aktibo na mga kaso noong Enero 1, hanggang Enero 13, ang lungsod ay may 2,082 pasyente sa pagtala ng isang panibagong mataas na tala na 516 mga kaso sa isang araw.

Hindi opisyal na nagregistro ang lungsod ng kaso ng omicron variant hanggang Enero 14 subalit sinabi ng mayor na lahat ng indikasyon ay nagtuturo sa pagkakaroon na nito sa lungsod.

(APR-PIO/PMCJr.-ABN)