Alert level 4 hindi aabutin ng lungsod; Omicron surge “Manageable”: Mayor

LUNGSOD NG BAGUIO – Kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 3, sinabi ni Mayor Benjamin Magalong sa isang media forum noong Enero 11 na tiwala siya na hindi aabutin ng lungsod ang Level 4 dahil ang mga pamamaraan ay nakahanda na upang mapamahalaan ang inaasahang pagdaluyong ng mga kaso dulot ng Coronavirus 2019 disease (Covid-19) Omicron variant.
Sinabi niya na ibinaba ng pamahalaang lungsod ang bilang ngmga turista sa Summer Capital; sinuspinde ang pagisyu ng acceptance certificates; mahigpit na ipatutupad ang border control na pinapayagan lamang ang mga may mahahalagang layunin upang makapasok; at iba pa.
Dahil sa mas nakahahawa ang variant tinatantiya ng Mayor ang nasa 400 hanggang 500 aktibong mga kaso ng Omicron araw-araw kumpara sa 200 sa panahon ng daluyong ng Delta ng nakaraang taon.
Bagaman opisyal na wala pang kaso ng Omicron ang Baguio, naniniwala siya na mayroon na ngunit hindi pa ito nade-detect.
Dahil kulang ang lungsod ng sapat na isolation at quarantine facilities upang tugunan ang lahat ng mga kaso, sinabi niya na ang home quarantine ay nilulubos para sa mga asymptomatic, mild o moderate cases habang ang mga may malubhang mga kaso ay dinadala sa mga ospital at mga temporary treatment at monitoring facilities.
Sinabi ngMayor na bagamanmas nakahahawa angOmicron kaysaDelta, di-gaanongmalubha ito ayon sa mga eksperto sa kalusugan at panayam sa mga pasyente kaya mababa lamang ang bilang ng mga maoospital.
“To manage our isolation and quarantine facilities and in collaboration with hospitals, we make sure that if cases are asymptomatic, mild or moderate and home quarantine is possible with the residence meeting standards, then home quarantine is allowed,” aniya.
Sa COVID-19 home isolation at quarantine requirements ay kasama ang well-ventilated at hiwalay na kuwarto para sa pasyente o hiwalay na kama na may sapat na distansiya; madaling mapuntahan na banyo; utilities; may solid waste, sewage disposal; at iba pa.
Inulit ng Mayor ang kahalagahan ng nababakunahan at may booster shots dahil ang mga ito ay “may malaking epekto sa proteksiyon sa sarili laban sa Covid-19 at nga variant nito.”
(GBK-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon