DUTERTE KONTRA MARCOS…. LALONG TUMITINDI

Sa halip na maibsan ang tensiyon sa mga nagaganap sa pagitan nina VP Sara at Pangulong Bongbong Marcos…lalo yatang tumitindi ang paglalagablab dahil sa mga matitinding upak at banat ni VP Sara at pananahimik lang ni Pres.
Bongbong. Talagang tumitindi na ang namuong tensiyon sa pagitan ng dalawang tao na akala natin ay “magkaibigan” sapul pa noong eleksiyon. Baliktad pala, pards. Naglabasan ang patutsada mula sa mga Duterte na hindi pala sila tunay na “magkaibigan”. Ibig sabihin, kunwwari lang o napilitan lang dahil sa ambisyon sa pulitika? Kailan ba nagsimula ang “anghang” sa dalawang ito –Sara at Bongbong?

Ayon sa mga mahilig manaliksik…noong nakaraang Abril kung saan ginanap ang PMA Graduation sa Baguio City…may isang nagtapos na kadete ang nagpahapyaw na hiniling niya ang relo ni Pres. Marcos bilang graduation gift. Tinanggihan ng Pangulo ang naturang hiling. Sa oras daw yon, dahil sa awa ni VP Sara sa kadete…gusto na raw
niyang pugutan ng ulo ni Pres. Marcos. Buwan ang lumipas, muling nagbinitaw ng maanghang na salita si VP Sara
kung saan pag di raw siya nilubayan, huhukayin niya ang bangkay ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at itatapon sa West Phil. Sea. Tas gigilitan nya ng leeg si PBBM.

Nakakakilabot. Eto ang kauna-unahang eksena na magaganap sa ating kasaysayan na pati ang nanahimik ay
guguluhin mo pa at itapon sa dagat. Nakakainsulto di ba? Di pa natapos ang litanya dahil nagpapatuloy ang
ginagawang pagsisiyasat at pagtatanong ng mga mambabatas sa mga resource person hinggil sa isyu ng Confidential Fund ng opisina ng bise presidente. Sa isang press conference ni VP Sara, sinabi niya nang lantaran na…”Wag kang mag-alala sa security ko kasi may kinausap na ako na tao. Sinabi ko sa kanya, pag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Liza Araneta at si Martin Romualdez. No joke. No joke.

Nagbilin na ako, Ma’am. ‘Pag namatay ako, ‘wag ka titigil hanggang hindi mo mapapatay sila.” Grabe. Isang bise
presidente, napakataas na posisyon ang magbabanta sa buhay ng Pangulo at kapamilya. Puwede na itong itala sa kasaysayan hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Puwedeng maituturing ito na “saksak” sa likud sa iyong “kaibigan” kuno. Sabi nga ng isang analyst: tiyak may puwersa sa likud ng tapang at gilas ng bise presidente na bumanat ng ganito. Eh, bakit daw napakatahimik naman si Pres. Bongbong? Pati na ang kapatid na si Sen. Imee?

Kamakailan, hindi naman pumalag kundi parang gusto lang mag-usisa si Senadora Imee, kapatid ng pangulo, hinggil sa tanong na “ano ba ang kanyang reaksiyon sa nangyayari sa pagitan nina Bongbong at Sara”. Maghahalukay pa raw siya kung bakit. Matagal na ang tensiyon pero parang ngayon lang nalalaman ni Sen. Imee. Marami tuloy ang
nagtatanong: kanino daw ba siya kampi? Sabagay, noon pa man, alam ng madla na magkaibigan sina Sara at Imee.
Sa kabilang-panig, sa likud ng mahabang pananahimik ni Pres. Bongbong…nagsalita na rin siya. “Nakakabahala ang
mga pahayag na narinig natin nitong mga nakaraang araw.

Nandiyan ang walang pakundangang pagmumura at ang pagbabanta ng planong ipapatay ang ilan sa atin. Kung
ganon na lang kadali ang pagplano sa pagpatay ng isang Presidente, papaano pa kaya ang mga pangkaraniwan na
mamamayan? “Yang ganyang kriminal na pagtatangka ay hindi dapat pinapalampas. ‘Yan ay aking papalagan.” Tapik ng mga analyst…dapat lang pumalag na ang ating Pangulong Marcos dahil seryoso na ang bantang ito ni
VP Sara. Dapat daw, sampahan siya ng kaso. Kung hindi siya kakasuhan, sabi ng marami…baka mauulit pa ito at baka mas malala pa ang gagawing pagbabanta.

Hindi na ito biro kaya mga ahensiya ng gobyerno, gaya ng DOJ at NBI ay kumilos na sa malalimang imbestigasyon at
ibalwasyon sa mga nangyayari. Seguridad na ng bansa ang nakataya sa likud ng marami pa tayong mga problemang
kinahaharap lalo na sa presyo ng mga bilihin bugso ng mga nagdaang mga bagyo at mga kaganapan sa West Phil. Sea. Abangan. Adios mi amor, ciao, mabalos.

Amianan Balita Ngayon