“EGAY” KUMITIL NG 9 KATAO SA CORDILLERA

BAGUIO CITY

May inisyal na siyam katao ang namatay sa landslide at pagkalunod bunsod ng hagupit ng Super
Typhoon “Egay” sa Baguio City, bayan ng Buguias, Benguet,Bontoc, Mountain Province at Abra, noong Miyerkules, Hulyo 26. Patay ang isang 16-anyos na estudyante habang nakaligtas naman ang kanyang mga magulang sa pagguho ng lupa na nagbaon sa kanilang bahay sa Barangay Bakakeng, Baguio City.

Nagsagawa ng search and rescue ang Baguio City Police Office (BCPO)-Police Station 10 (Marcos Highway), City Disaster Risk Reduction andManagement Office, Task Force Group Baguio, mga tauhan ng Bakakeng Central Barangay at mga residente, matapos ang pagguho ng lupa na nag-trap
sa mga biktima sa bandang 10:30 a.m.

Nakuha ng mga rescuers ang dalawang indibidwal, isang 59-anyos na construction worker at ang kanyang 48- anyos na maybahay, habang ang bangkay ng kanilang 16- anyos na anak ay nakuha
dakong alas-12:25 ng tanghali. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang teenager na na-trap sa kanyang kuwarto. Apat ang nasawi at lima ang nasagip mula sa bahay na natabunan ng landslide
matapos gumuho ang concrete riprap at natabunan ang bahay dakong alas 5:00 ng umaga, habang natutulog ang mga biktima sa Barangay Abatan, Buguias, Benguet.

Sa Mountain Province, namatay ang isang 38 anyos na lalaki sa Sitio Pakkil,Barangay Caluttit, Bontoc,matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanyang barong-barong na bahay, dakong alas 5:20 ng hapon habang kasagsagan ng malakas na hangin at ulan ng bagyong Egay. Sa Abra, ang 60 anyos na si Frisco Marquez ay patawid sa overflowed box culvert canal noong Miyerkoles ng gabi sa Barangay San Miguel,Bucay, nang madulas ito at tangayin ng malakas na daloy ng tubig.

Agad naman siyang na-rescued subalit namatay ito habang ginagamot sa ospital Sa bayan ng Pilar, ang biktimang si Jugeelin Sinporoso, 13, na narekober ng patay sa river banks ng Barangay Kinabiti,matapos na ito ay malunod nang tangkaing iligtas ang nalulunod na alagang kambing, kasama ang isang nagngangalang Juliet Dacquel,52, na iniulat din na nawawala sa nabanggit na ilog.

Iniulat din na isang 55 anyos na si Erning Bañez ang nalunod sa kasagsagan ng bagyo sa Abra.
Habang sinusulat ang balitang ito, anim na katao na biktima din landslide sa kasagsagan ng bagyong Egay noong Hulyo 26 sa ilang kabahayan sa Lubong Butao, Calanasan, Apayao. Iniutos na ni Governor Elias C. Bulut Jr. ang agarang paghahanap sa mga biktima, matapos iulat ng opisyal ng
nasabing bayan ang naganap na landslide sa bulubundukin lugar na tumabon sa ilang kabahayan sa lugar.

Tinatayang nasa 500 metro hanggang 1 kilometro ang lugar ng insidente mula sa national road, ngunit maaaring mas malayo pa ito. Iminungkahi ni Bulut Jr., ang paggamit ng chopper sa tulong ng AFP, upang dalhin ang mga unang rescue team sa lugar. Nagtututong-tulong na din ang iba’t ibang ahensya,kasama ang pulisya para makapunta sa lugar. Habang sinusulat ang balitang ito, anim na katao na biktima din landslide sa kasagsagan ng bagyong Egay noong Hulyo 26 sa ilang kabahayan sa Lubong Butao, Calanasan, Apayao.

Iniutos na ni Governor Elias C. Bulut Jr. ang agarang paghahanap sa mga biktima, matapos iulat ng opisyal ng nasabing bayan ang naganap na landslide sa bulubundukin lugar na tumabon sa ilang kabahayan sa lugar. Tinatayang nasa 500 metro hanggang 1 kilometro ang lugar ng insidente mula sa national road, ngunit maaaring mas malayo pa ito. Iminungkahi ni Bulut Jr., ang paggamit ng chopper sa tulong ng AFP, upang dalhin ang mga unang rescue team sa lugar. Nagtutulong-tulong na din ang iba’t ibang ahensya,kasama ang pulisya para makapunta sa lugar.

Zaldy Comanda With reports Artemio Dumlao/ABN

Amianan Balita Ngayon