Eleksiyon… Sapakan na ba?

Opinion

Santamaria a babassit ken dadakkel…ano na ba ang nangyayari sa ating bansa, pards. Habang lumalapit ereng eleksiyon, ala, eh, lalo yatang tumatambak ang mga kontrobersiya. Kaya ang bayan ay nalilito: alin ba ang dapat pangilagan sa ngayon: Pandemya o Pulitika? Pards…ito ang tema sa Daplis eksena ngayon…sumunod ka, pards:

Sino nga ba ang hindi mapupundi ang kokote sa mga eksena ngayon, pards. Andiyan ang isyu ng pag-iingat kuno laban sa Covid-19; nariyan ang pag-iingat sa mga pekeng balita sa ibat-ibang isyu; nariyan ang mga iringan din ng mga pulitiko at nariyan din ang isyu ng kahirapan sa bansa. Sus ginoo…lito na si Juan dela Cruz.

Di na tukoy kung saan susuling. Ang iba nga riyan, nagmumura na lamang, pards. Sus mariakusina..huwag naman. Manimbang muna bago
humusga, hane? Usap-usapan sa ngayon kung sinu-sino ba ang magpapaturok para sa boaster shot daw ?

Oh, di ba sinabi na ang mga health workers muna tapos sunod ang mga seniors at may comorbidities? Eh, papano daw ang iba? Hinayhinay lang, mga pards. Hintayin natin ang pinal na mga ulat Ang tanong ng marami: bakit may boaster shot pa? Hmmm…di po kami doctor at albularyo. Pero sa abot ng aming kalag, este, sa jueteng pala ito…depende raw. Tsk.. tsk.. lalong lumabo pards, di ba?

Sabi nila…sa loob lamang daw ng anim na buwan ang itatagal ng bawat bakuna. Ibig bang sabihin na pagkatapos ng anim na buwan, turok ulit? Anak ng buwaya naman, pards…turok na lang tayo ng turok, di ba? Hindi na matapos ang turukan, pag nagkataon? Ops…teka lang, mga highblood….hintayin muna natin kung ano ang pinal nila bago tayo ngumakngak.

Baka tayo sumablay, eh. Sabi nga naming, hindi tayo doctor o albularyo. Palabasa lang tayo ng mga ulat at medyo may nalalaman din sa mga
sinaunang senaryo at gamutan sa sakit.

Sa kabilang eksena naman….punado ang mga Salisalitang maniobra sa pulitika ang pansin na sa panahong ito. May tumaas, may umalis, may pumalit, may nagpapahiwatig, at marami pang silip-pulitika ang namonitor ng Daplis. Hoy…luma na ang mga ratsada ninyo, mga…mga…sige na nga. Panahon pa ni Limahong, andiyan na ang mga ratsadang yan. Pinaglumaan na ang panahon na para makakuha ng simpatya at boto ng mga masa…marami ang nagiging maka-masa, maka-Diyos, makaserbisyo, maka-malinis, wala bang maka-baho?

Sus, ginoo…matagal na nating kilala ang sistema ng pulitika sa bansa. In short..sa tuwing eleksiyon, lumalapit sa atin ang mga demonyo (hindi po nilalahat). Dedemonyuhin tayo para sila’y gawing santo. Pero kapag nakaupo na sila…tayo na ang sa tingin nila ay Barabas. Anak ng taran..tulang bakla. Kailan ba mababago ang kalokohang ire? Sisilawin ka sa pera, pangako at kung ano-ano pa…please, huwag nang kumapit sa kanilang panukso.

Sipain sila at huwag magtiwala. Sa lokal na lang…kita na ang mga maraming pagbabago. Mga gustong manilbihan, porsigido silang kasama sa pasiklaban. Sa mga nakaupo, kalmante lang. Pero bulong ng mga maalam na botante: please, mga kandidato…huwag na kayong magsiraan. Hugasan ang inyong mga dila. Tama na sa mga sablay na pangako. Magpakatotoong tao. Kasi sa panahong ito…maraming tumatakbo (hindi sa nilalahat) ang nag-aasal-Santo sa likud na sila’y asal-walang asal at walang malasakit sa tao.

Maamo silang tupa sa likud ng tunay nilang asal-buwayang pagkatao. Kaya, mga kabayan, sa panahong ito ng Pandemya…bakunahan natin
ang mga mapanlinlang na mga kuwago para lamang makaupo. Turukan natin sila ng Covid-19 virus para sila’y magbago. Iligtas ang ating kinabukasan, salain ang mga linta at magiging buwaya ng ating lipunan. Adios, mi amor, ciao, mabalos.