Empleyado ng gobyerno, arestado sa rebellion

Arestado ang isang empleyado ng Department of Agrarian Reform sa Abra dahil sa kasong rebelyon dakong 11 ng umaga ng Hulyo 3, 2017 sa Brgy. Calaba, Bangued, Abra.
Dinakip ng magkasanib na pwersa ng pulis ng Bangued, CIDG-Abra at PPSC si Arnel Gupaal Balucas alyas Layab, 41 anyos, may-asawa, dating rebelde, contractual employee ng operation division ng DAR-Abra at residente ng Brgy., Bangilo, Malibcong, Abra sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Corpus B. Alzate ng RTC Branch 2, Bangued Abra sa kasong rebellion. Walang inirekomendang pyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Balucas.
Si Balucas ay nakalistang No.1 Provincial top most wanted person para sa 3rd quarter ng 2017 at ngayon ay nasa kustodiya ng Bangued MPS.

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon