Estudyante, nagpatiwakal sa Kalinga

Nagpatiwakal ang isang 15 anyos na Grade 9 student ng Saint Theresita’s School sa Tabuk City, Kalinga, gamit ang nylon rope madaling araw ng June 12, 2018 (Martes).
Wala pa ring maisagot ang mga otoridad sa pagkamatay ni Raygielee Diego Besas, na napansin ng kaniyang mga kapatid na balisa noong gabi ng Lunes at pabalik-balik sa kanilang bahay sa Purok Linak, Laya East, Tabuk City. Nang tanungin diumano ng isang kapatid ang biktima tungkol sa kaniyang kakaibang kilos ay halos hindi sumagot at nagpunta sa likod ng kanilang bahay.
Tinawag diumano ang biktima ng kaniyang mga magulang upang pumasok na sa kanilang bahay bandang 9pm subalit hindi sumagot ang biktima kaya iniwan ng mga magulang na bukas ang pinto at ilaw.
Bandang hatinggabi, ayon sa mga otoridad, nakarinig diumano ang isa sa mga kapitbahay ng Besas ng kakaibang ingay gayundin bandang 4:20am ng June 12.
Nadiskubre ng ina ng biktima na si Gemma Diego Besas na nakabitin ang anak na walang buhay madaling araw ng Martes, gamit ang 9mm nylon rope sa likod na bahagi ng kanilang bahay. A.ALEGRE

Amianan Balita Ngayon