Nagreklamo sa Station 5 ng BCPO ang isang 21 anyos na estudyante noong umaga ng Enero 14 dahil sa ginawang pagnanakaw ng dalawang babaeng menor de edad.
Kinilala ang nagreklamo na si Maria Eila Rochelle Zurbito Naniong, 21, single, college student, at residente ng Purok 1, Brookspoint, Aurora Hill, Baguio City.
Ang naturang insidente ay nangyari dakong ika-2 ng madaling araw noong Disyembre 13,2018 sa Spade Bar Crown Legacy, Kisad Road, Baguio City, habang itinago naman ang pangalan ng dalawang menor de edad na suspek.
Sa ulat ng pulis ay lumabas na si Naniong, kasama ang mga kaibigan ay pumunta sa naturang bar at nag-inuman, gabi ng Disyembre 12,2018. Nang madaling araw na ay nadiskubre ng biktima na ang kanyang sling bag na naglalaman ng cell phone, wallet at cash na tinatayang 6,000, make-up kit, at iba pang gamit ay nawawala.
Iniulat niya ito sa duty bouncer at nakita nila ang kanyang bag malapit sa air conditioner. Nang tignan nito ang loob ay nawawala na ang kanyang pera.
Ang mga suspek ay nakilala sa pamamagitan ng mga CCTV cameras sa loob ng bar.
January 21, 2019
January 21, 2019
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025