Pulis arestado sa pagmaneho ng nakumpiskang sasakyan

MANGALDAN, PANGASINAN – Dinakip ang isang pulis sa bayang ito noong Enero 17 dahil sa diumano ay paglabag sa Anti-Carnapping Act.
Ayon kay Senior Supt. Wilson Joseph Lopez, provincial director ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO), ang suspek ay si SPO3 Jonathan Sanchez ng Mangaldan Police Station.
“Sanchez was caught in the act of driving a white Toyota HiAce van, which was not declared by the police after an operation against budol-budol (gang) last September 2018,” pahayag nit Lopez.
Aniya, ang Counter-Intelligence Task Force (CITF) operatives, kasama ang Intelligence Group, Provincial Intelligence Branch, at Task force Limbas ng Highway Patrol Group, ang nagpatupad sa pag-aresto kay Sanchez sa Barangay Navaluan, Mangaldan.
Ang naturang operasyon ay nagmula sa reklamo ni Rosa Pamor ng Caloocan City, na nag-ulat sa pulis na ang kanyang van ay nawawala matapos itong rentahan noong Setyembre 2018.
Noong Disyembre 18 ay nakatanggap si Pamor ng impormasyon na ang kanyang van ay nasa kustodiya ng Mangaldan police.
“The complainant went to Mangaldan. They, however, denied having custody of said van, prompting her to file a complaint,” ani Lopez.
Mula noon, ang naturang sasakyan ay ginagamit na ng suspek sa kanilang police operation at para sa personal na gamit, dagdag ni Lopez.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng CITF at may pending case sa paglabag sa Republic Act No. 10883 o Anti-Carnapping Act, at mga administratibong kaso.
Si Supt. Jay Baybayan, officer-in-charge ng MPS, ay inalis sa pwesto nito.
“He was temporarily relieved from the position, as we are still conducting thorough investigation,” ani Lopez.
Samantala, nagbabala si Lopez sa mga pulis na huwag gagamitin ang mga nakumpiskang bagay para sa personal.
“Bawal na bawal po. May direktiba po tayo diyan na ang mga confiscated items ay hindi pwedeng ginagamit. Big offense po ang ginawa nila,” aniya.
A.PASION, PNA

Amianan Balita Ngayon