Estudyante patay matapos mawalan ng kontrol sa motorsiklo sa Kalinga

TABUK, KALINGA – Patay ang isang lalaki matapos mawalan ng kontrol sa motorsiklo bandang 5:30pm ng Nobyembre 7, 2018 sa Tabuk-Bontoc National Road, Sitio Dadalao, Barangay Lucog, Tabuk City, Kalinga.
Matapos maiulat ang insidente sa Traffic Management Unit ng Tabuk CPS, kinilala ang biktimang si Winkle Amlos Siwag, 18 anyos, estudyante at nanunuluyan sa Purok 3, Bulanao, Tabuk City, Kalinga.
Sa imbestigasyon, nakainom ang biktima nang imaneho nito ang motorsiklong Suzuki Raider 150 na may plakang 5095 QV kasama ang kaniyang grupo na lahat ay sakay ng kanilang motorsiklo. Nagmula ang grupo sa Barangay Lucog at patungo sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga na naka-convoy. Nang maabot ang lugar ng pinangyarihan, sa kurbang bahagi ng kalsada, nawalan ng kontrol ang biktima sa kaniyang motorsiklo at agad sumalpok sa isang electric steel post.
Nagtamo ang biktima ng pinsala sa kaniyang ulo at dinala sa Kalinga Provincial Hospital subalit idineklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon.

Amianan Balita Ngayon