Ex-kapitan, arestado sa murder

SAN JUAN, LA UNION – Arestado ng mga pulis ang dating barangay chairman ng Baracbac Este, Balaoan, La Union, at ikalima sa listahan ng most wanted persons ng La Union, hapon ng Abril 27 sa Barangay Ili Sur.
Pinangunahan ni Superintendent Joseph Fajardo, commander ng La Union provincial public safety company, ang arresting team mula sa provincial intelligence branch at San Juan police, at kinilala ang suspek na si Elmer Ordanza, 46, residente at dating kapitan ng Baracbac Este.
Nagtago si Ordanza nang diumano’y napatay ang isang Arnold Navalta sa wedding party. Ang anak ni Ordanza na si Aldrin Kenneth, na sangkot sa naturang pagpatay ay naaresto ngunit nakalaya dahil nagpiyansa.
Inabisuhan ang mga pulis sa biglang paglitaw ni Ordanza sa kanilang barangay at sinubukang iwasan ang pag-aresto.
Arestado si Ordanza sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Manuel Aquino ng Regional Trial Court Branch 34 sa Balaoan noong Disyembre 29, 2016 sa salang pagpatay. Kasalukuyang nasa detensiyon si Ordanza. Erwin Beleo

Amianan Balita Ngayon