Grace Guardians, namigay ng tulong pinansyal sa 3rd anniversary

Jul 2, 2017

SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Dinaluhan ng mahigit na 3,000 na miyembro ng Grace Guardians na mula sa iba’t ibang panig ng probinsya na kinabibilangan ng mga chapters officers at members upang saksihan at makisaya sa pagdiriwang ng ika-3 taon anibersaryo ng Grace Guardians na ginanap sa Arenas Resuello Complex, San Carlos City, Pangasinan noong June 25, 2017.

Naging panauhing pandangal at tagapagsalita si PDir. Atty. Isagani “INF SGF GANY” R. Nerez (Ret.), national chairman ng GRACE Guardians, at ang presensya ni AASENSO Partylist Representative Teodoro “INF KUYA” G. Montoro kasama rin sina AASENSO Partylist National Adviser/Interim Provincial Chairman Col. Rolando T. Magno (Ret.), Chief of Staff Atty. Josephus R. Nerez at ng mga National Board of Trustees, Pangasinan, Caloocan, Valenzuela, Basista, Bataan at Baguio-Benguet Provincial Board of Trustees at Founders Chapters.

Nagsagawa ng blood letting para sa mga miyembro na nangangailangan ng dugo,  tinipon na rin minsanan ang mahigit na 400 neophytes na pinanumpa ni National Chairman “INF SGF GANY” at induction ng mga bagong hahawak sa kanilang katungkulan.

Ipinauna na ni Nerez sa mga manunumpa ng kanilang tungkulin na magkaroon ng pagpapahalaga,  katapatan, prinsipyo, disiplina, at maging aktibo sa mga gawain at aktibidad para sa pagpapalaganap ng misyon at vision, maisakatuparan ang pag-usbong at lumakas pa lalo ang pagkakaisa ng Grace Guardians sa pamamagitan ng kaakibat nitong partylist ang AASENSO ay magpapatuloy ang suporta nito para sa kapatiran (brotherhood), sa pamamagitan ng kusang paggawa at walang hinahangad na kapalit.

Matapos mabigyan ni Secretary General Grace Board of Trustees ng awards ang mga may ratings na performance chapters officers ay namigay rin ng financial at burial assistance sa mga naulila at mga may karamdaman na umabot sa P36,700 ang naibigay ng araw na iyon.

Sinabi ni Montoro, “pagsikapan natin na maging aktibo tayo sa pagre-recruit na mapabilang sa atin bilang GRACE Guardians lalo na sa mga kababayan natin na may malinis na puso ngunit kapus sa kabuhayan. Sila ang una nating dapat tulungan, dahil habang lumalaki ang bilang ng ating samahan ay dito lumalakas ang puwersa natin habang narito ako na naglilingkod sa inyo bilang representative ng AASENSO ay malayo ang mararating natin para mapaunlad ang ating kabuhayan, bawat pamilya ay makikinabang sa medical assistance, barangay projects, scholarship at livelihood,” ani Montoro. ABN

RELATED POSTS

AMIANAN POLICE PATROL

2 Male minors arrested for possession of illegal drugs and airsoft guns Two minors involved in a commotion were arrested after they were...

HEARING AID

HEARING AID

DOH-Ilocos Region Chief of Local Health Support Division Jimuel S. Cardenas, hearing aid recipient -Ryan K. Palacay, Regional Director...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest