CAMP BADO DANGWA, LA TRINIDAD – Magkakaibang sitwasyon ng simulation ang isinagawa ng mga personnel in uniform sa bawat departamento para sa pakikipagkaisa ng Police Regional Office-Cordillera (PRO-COR) sa 2nd quarter ng Nationwide Simultaneous Earthquake drill (NSED) noong June 29, 2017.
Kasama rin sa simulation ang Baguio Fire Department Umpires, maging ang ilang rescuer.
Sinabi ni PSSupt R’Win S. Pagkalinawan, Deputy Regional Director for Operations, “nag-conduct tayo ng earthquake drill primarily the PNP and Fire are initial responders for this activity. It means kami yung una dapat na magre-rescue sa community na maapektuhan kung sakaling may mga ganitong disaster na biglang dumating sa atin. Kami dapat yung trained and skilled on how to go about the execution of the earthquake drill, kailangan ma-experience namin na magkaron kami ng casualty para handa kami pagka magresponde kami, may experience na kami kung paano magha-handle ng casualty sa pagrescue ng ating mga kababayan sa labas ng kampo.
“I believe na kulang ang mga rescuer natin dito sa Cordillera, that’s why nagka-conduct tayo ng nationwide earthquake drill para ma-educate ang ating mga kababayan hindi lang mga public servant kundi mga community, mga business establishment pati yun aming mga post multiply kung papano nila iha-handle ang matinding sitwasyon katulad ng earthquake. Kailangan niyan magpatuloy tayo ma-educate lahat tayo dahil apektado tayong lahat kapag dumating ang malakas na lindol, hangga’t maaari ay may mga nakahanda tayong mga rescue equipment kit na kasama na ang mga basic needs.”
Sinabi naman ni Baguio Fire Chief inspector Ramel Borja, “alam natin na kapag may mga ganitong trahedya na lindol ay asahan na natin na may kasunod na sunog yan, kaya naka-prepare na rin ang station namin, mga fire truck para mag-responde kung sakaling may sunog.”
Samantala, nabigyan ng magandang marka ang mga personnel in uniform sa kanilang senaryo earthquake drill bagama’t may konting hindi pagseryoso pa rin ang ibang personnel ay nagpakita pa rin sila ng partisipasyon at inaasahan sa susunod na earthquake drill ay magiging makatotohanan na ang pagsasanay. ABN
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024
November 30, 2024