Nagtamo ng first degree burn ang dalawang estudyante habang nag-aaral magluto bandang 10am ng November 15, 2017 sa Pinukpuk Vocational School, Pinukpuk, Kalinga.
Sa natanggap na ulat ng mga tauhan ng Pinukpuk MPS bandang 12:30pm ng parehong araw, ang mga biktimang sina Divina May Saw-ad Isit, 17, single, Grade 12 student at residente ng Brgy. Magaogao, Pinukpuk, Kalinga; at Jeremia Sangdaan Casingal, 19, single, Grade 12 student at residente ng Brgy. Taga, Pinukpuk, Kalinga; ay kapwa nagtamo ng first degree burn.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang mga biktima ay nasa cooking class at sisindihan sana ang baking oven, nang biglang umapoy ang oven.
Sa dagdag na imbestigasyon na isinagawa ng BFP, ang sanhi ng sunog ay dahil sa naipong gas sa loob ng oven.
Ang mga biktima ay agad namang nadala sa Pinukpuk Rural Health Unit para sa agarang lunas.
November 18, 2017
November 18, 2017
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025