Grade 6 student, na-hit and run

Isang grade 6 student ang na-hit and run bandang 1:56pm ng November 1, 2017 sa tapat ng Pilando Building, Lower Magsaysay Avenue, Baguio City ng isang Toyota Vios sedan na may plakang ZMR-484 at kulay Azure Blue ng di pa nakikilalang driver kung saan nagmula sa direksiyon ng city proper patungo sa direksiyon ng Lower Magsaysay.
Aksidenteng nasagasaan ng nasabing van ang babaeng menor de edad na kinilalang si Cristine Jose Fernandez, 13 anyos, estudyante ng Magsaysay Elementary School at residente ng Barangay Sto. Nino, Slaughter Compound ng nasabing lungsod.
Ang biktima ay tumatawid sa pedestrian lane kung saan ito nabunggo.
Bilang resulta, nagtamo ang biktima ng sugat at dinala nina PO1 Mar Leo Abaten Paliwen at PO1 Marisa Decena Baniarez (sa ilalim ng PNP Field Training Program) sa BGHMC para sa agarang lunas at na-confine.
Ang mga rumespondeng traffic investigators ay nagsagawa ng inspeksiyon sa lugar ng pinangyarihan at nakita sa CCTV footages ang naganap na insidente. Ang nasabing sasakyan ay inalarma sa tactical operations center para sa posibleng pagkahuli. Ang kaso ay muli pang iniimbestigahan.

Amianan Balita Ngayon