Green Valley Baguio Sunshine Fest sa April 10-16

Bilang bahagi ng ika-42 anibersaryo ng Esla Land Developers Inc. sa Green Valley Subdivision ay nagkaroon ng pagkakataong magtatag at magdaos ng bagong festival na tinaguriang “Green Valley Baguio Sunshine Festival” na nakatakda sa April 10 hanggang 16 at gaganapin sa bagong itinayo na Garden Square sa loob ng eksklusibong subdivision.

Sa ginanap na Kapihan sa Green Valley noong April 4 (Tuesday) ay nagpaunlak ang president ng Esla Land Developers Inc. na si Albert Lim sa mga mamamahayag upang maipaabot sa mga tao ang kanilang bago at kauna-unahang festival na matutunghayan sa loob ng isang linggong saya.

Ayon kay Lim, “Green Valley over the years was popularly known for being one of the most high end exclusive subdivisions in Baguio and also with its activity packed Clubhouse also accessible to non-members.”

“We would like to humanize our company by instilling empathy and compassion for organizations and individuals who are in need of help and support,” aniya.

“Ang Green Valley Baguio Sunshine Festival ay naglalayong maging de-kalidad na kaganapan at idaraos ito tuwing tag-init. Nais natin na maanyaya ang mga bisita at bawat pamilya para maranasan nila ang kakaibang ganda ngayon ng Green Valley at nais rin namin makasama ang lahat ng mga lokal na artist sa rehiyon at makilala maging sa buong bansa na magkaron ng inspirasyon sa malawak na tanawin ng Baguio,” ani Lim.

Naka pokus ang festival sa mga batikang artist na magpapakita ng kanilang pagguhit tulad ng Baguio Local Artist, Baguio Art Guild, Pasa-kalye Group of Artist, Baguio Museum Artists Group, Baguio-Benguet Photographers, Hikers and Artist Club para sa kanilang artworks exhibit, activities at fun games ng zumba, belly dance, auction, mural painting, live portrait sketching, horseback riding, tapoy night and drum jam.

Magtatanghal din ang band concert ng Family Birth Control Band, Esla Jam Performers na sina Atephobia, Dagem, Diwata Lacap, Edward Cruz at Dianne Musca, Elena Belly Dancer, Kawitwit Storytelling at Pangalay Artists Circle.

Sa April 15, Saturday, ang announcement ng winner para sa art installation, most shared pictures, most liked pictures at best pictures.

Gaganapin din sa April 15 ang blessing at ribbon cutting para sa inagurasyon ng Garden Square at sa Easter Sunday ay makiisa para sa Easter Egg Painting at Hunting with Magic Show and Balloon.

Sinabi ni Yang Bautista, event manager ng festival, “Hindi lang sa company namin ipinu-promote ito kundi mapalakas ang moral ng local artists at ang kanilang mga produkto, nais rin namin matulungan ang city at ang Department of Tourism for promotion of the unique geographic beauty of Baguio, culture, products, artistry and skills and its people.”

“Garden Square opens doors to fund raising activities, for more than four decades of building dream houses, Esla and Developers Inc is truly a company to be reckoned with by being one of the first developers to implement environmentally preserved spaces, Esla Land designs have established a trend that most designers implement today,” ani Bautista. ABN

Amianan Balita Ngayon