Higit 360 establisimiyento makakakuha ng safety seals

LUNGSOD NG BAGUIO – Malapit nang matapos ng pamahalaang lungsod ang inspeksiyon nito sa mahigit 360 establisimiyento at mga pasilidad na nag-apply para sa isang safety seal certification.
Sa isang panayam sa telepono noong gabi ng Huwebes (Disyembre 16) ay sinabi ni Aileen Refuerzo, chief Public Information Office ng opisina ng mayor na ito ay bahagi ng pagsisikap na paluwagin ang mga restriksiyon ng paggalaw upang pasiglahin ang pagbawi ng lokal na ekonomiya.
Sinabi niya na ang Permits and Licensing Division (PLD) ay tinatanggap at prinoproseso ang ang mga hiling at pinapangunahan ang inspection team na sumusuri sa pagsunod ng mga establisimiyento sa the safety guidelines na itinakda ng gobyerno.
Idinagdag niya na ang pagisyu ng safety seal certificate sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Department of Health (DOH)-Department of the Interior and Local Government (DILG)-Department of Tourism (DOT)-Department of Trade and Industry (DTI) Joint Memorandum Circular 21-01, series of 2021.
Ang mga kukuha ng isang certificate ay dapat suriin ang sarili at sumunod sa sumusunod na mga requirement: Ang paggamit ng StaySafe.ph bilang contact tracing tool, o ang paggamit ng isang manual contact tracing; magkaroon ng thermal scanner upang masuri ang mga empleyado at kliyente, at kahandaan ng isang health declaration sheet; magkaroon ng isang isolation area para sa identified symptomatic employees; pag-display ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERTs) at emergency hotlines sa kapansin-pansing mga lugar; maglagay ng handwashing stations na may sabon, hand drying equipment o supplies para sa mga kliyente at empleyado.
Dapat ding maglagay ang mga establisimiyento ng mga harang sa mga saradong lugar upang mapanatili ang social distancing; wastong bentilasyon o sapat na pag-ikot ng hangin; disinfection protocol, o paglilinis at disinpeksiyon bilang control measure laban sa Covid-19.
Ang mga personnel, empleyado, kliyente at mga bisita ay dapat laging nakasuot ng face mask na may nakatalagang safety officer para sa koordinasyon at referral sa isolation facilities, o sa mga health facilities; contact tracing; monitoring ng isolated at quarantined employees; at implementasyon ng return-to-work policies.
Ang mga obserbasyon sa inspeksiyon ay titiyakin ang pag-isyu ng isang seal o para sa reinspection kung may mga depekto o kakulangan na natukoy.
Inulit-ulit na ipinanawagan ng DTI na ang naisyu na Safety Seal certificate sa mga establisimiyento ay pinapahintulutan ang karagdagang 10 porsiyento na allowable capacity ng isang establisimiyento.
“The safety seal will also add consumer confidence that entering the establishment is safe as they have been assessed of their compliance to the health and safety standards,” ani DTI-Cordillera OIC director Juliet Lucas sa iang naunang panayam.
Ang mga establisimiyento ng negosyo sa lungsod ay sinisiyasat ng isang composite team mula sa Baguio City Police Office, City Health Services Office; barangay, PLD, Public Information Office, Public Order and Safety Division, at iba pang kinauukulang opisina.
(LA-PNA/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon