Higit 5K bagong botante nairehistro ng Comelec-Baguio

Metro BLISTT

LUNGSOD NG BAGUIO – Nairehsitro ng Commission on Elections (Comelec) ang nasa 5,931 bagong botante sa loob ng dalawang buwan na special registration. Sinabi ni Comelec-Baguio City election officer John Paul Martin noong nakaraang Huwebes na nasa 640 ang nagparehistro para sa Sangguniang Kabataan (SK) at 5291 sa non-SK o regular voters na mga nagparehistro sa unang pagkakataon.

Maliban sa mga first time voters ay sinabi ni Martin na may 5,195 botante ang nagpareactivate at nag-transfer ng rehsitrasyon. Sa karagdagang 11,126 botante ay may mahigit 130,000 botante na ang Baguio sa ngayon.

Sinabi ni Martin na ang 10,000 target quota para sa peryodo ng pagrerehistro ay nalagpasan. Nagsagawa ang Comelec ng ilang off-site registration activities sa mga paaralan, oipsina at sa Philippine Military Academy (PMA), kung saan 942 kadete at sundalo ang nagparehistro.

Sinabi ni Martin na karamihan sa mga aplikante ay tinanggap noong dalawang linggo ng pagrerehistro noong Setyembre. “We were averaging at that time at least from 500 to 600 clients a day,” aniya.

Sa panahon ng huling araw ng rehsitrasyon noong Setyembre 30 ay may isang daang aplikante ang naserbisyuhan.

“We had to cut off the registration on the last day to prevent employees from rendering overtime. They had enough time to register prior to Sept. 30,” ani Martin.

 

DDJr.-PNA/PMCJr.-ABN