Pinasok ng di pa nakikilalang kawatan ang isang store sa pagitan ng 6:10pm ng Agosto 19 at 9am ng Agosto 21 sa Central Buyagan, La Trinidad, Benguet.
Ayon sa imbestigasyon, magbubukas ng establisimyentong Storage Surplus ang sales lady na si Raquel Martin Walas bandang 9am ng Agosto 21 nang makita niya na ang mga steel cabinets na puwersahang binuksan at nalaman niyang nawawala na ang cash collection na nagkakahalaga ng mahigit P110,000, change bond na P9,000 at reservation money na tinatayang P50,000. Ang mga cable wires ng CCTV ay naputol habang ang circuit breaker ay pinatay at tinanggal din ang hard drive ng CCTV.
Ang suspek o mga suspek ay dumaan sa isang bintana ng comfort room na ginamit din sa pagtakas. Naghain ng reklamo ang store manager ng nasabing establisimyento na si Leah Garcia Caoilo. Ang kaso ay kasalukuyang iniimbestigahan.
August 27, 2017
August 27, 2017
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025