Illegal recruiter, arestado

Arestado ang isang illegal recruiter sa Barangay 1, Vigan City, Ilocos Sur bandang 8:50am ng July 19 sa pinagsamang operatiba mula sa City Intelligence Unit ng Baguio City Police Office, Mobile Patrol Unit at Vigan City police.
Sa bisa ng dalawang warrants of arrest sa kasong Illegal Recruitment Committed by a Syndicate na walang piyansa na inilabas ni Judge Maria Ligaya V. Itliong Rivera ng RTC Branch 60 ng Baguio City at kasong Estafa na may piyansang P40,000 na inilabas ni Judge Mona Lisa V. Tiongson Tabora ng RTC Branch 7 ng Baguio City noong November 15, 2016 sa suspek na si Susan Enriquez alyas Cheslie Ann Enriquez, 27, single, tubong Angeles City, Pampanga at residente ng Zone 4, Bantay, Ilocos Sur.
Ang nasabing suspek ay ibibiyahe papuntang Baguio City Police Office para sa tamang dokumentasyon bago iturn-over sa korte.

Amianan Balita Ngayon