Lalaki, arestado sa pagnanakaw

Arestado sa pagnanakaw ang isang lalaki sa City Camp Alley, Baguio City bandang 11:30pm ng July 18.
Sa reklamong isinampa ng biktimang si Joan May Alicante, may-asawa, 44 anyos, cook ng Kubo Grill at residente ng City Camp Alley laban sa suspek na si John Emerson Labayog, 29 anyos, single, at residente ng Upper Rock Quarry, Baguio City; napag-alaman na habang naglalakad ang biktima sa nasabing lugar ay biglang may itinutok na matulis na bagay ang suspek sa kaniyang tagiliran at biglang inagaw ang bag ng biktima.
Tumakbo ang suspek papuntang City Camp Proper Barangay. Habang umiiwas, nabunggo ng suspek ang side mirror ng isang Toyota Innova taxi na may plakang AYT 890 na minamaneho ni Jubert Sioaten Caligtan na nagresulta ng pagkakatanggal ng side mirror.
Napigilan ang suspek sa pangunguna ni Barangay Kagawad Yolanda Illamil at inabisuhan ang Station5 ng city police office. Inaresto ng mga rumespondeng pulis ang suspek at dinala sa BGHMC para sa kinakailangang medikasyon. Ang kaso ay inihahanda na para sa inquest proceedings.
 

Amianan Balita Ngayon