ILOCOS NORTE WALANG TRANSPORT STRIKE

LAOAG CITY, Ilocos Norte

Walang tigil-pasada ang Ilocos Norte noong Huwebes dahil ang mga lokal na transport groups ay hindi sumama sa transport strike na inilunsad ng mga nakabase sa Manila na jeepney drivers at
operators dahil sinusuportahan nila ang jeepney modernization program. Kinumpirma ito ni Athena Nicolette Pilar, general manager ng Metro Ilocos Norte Council (MINC) sa isang panayam
noong Huwebes habang ang mga operasyon ng public utility vehicle (PUV) sa probinsiya ay nanatiling normal base sa kanilang monitoring.

“Bilang suporta sa mga public transport drivers at operators, ipinagpapatuloy namin na mamahagi ng PhP3,000 halaga ng fuel subsidy sa kanila,” ani Pilar, na tinutukoy ang fuel subsidy program na inilunsad noong Oktubre at nabenipisyuhan ang nasa 15,000 drivers at operators na kaanib sa MINC. Ang MINC ay isang kagawaran sa ilalim ng provincial government na may kinalaman sa bagay-bagay ukol sa transportasyon.

Ang taunang fuel subsidy program ay inilunsad noong 2021 at ipinatupad ng dalawang beses noong 2022. Ang badyet ay hiwalay sa Pantawid Pasada Program ng pambansang gobyerno. Maliban sa tulong pinansiyal, ang mga miyembro ng MINC ay mayroon ding libreng life insurance coverage,
medical coverage, at hanggang 10 porsiyentong discount sa mga generic medicine.

(LA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon