Imahe at morale ng PNP, mapagkakatiwalaan pa ba?

Feb 4, 2017

Matapos ang nakakahindik na mistulang pagmasaker sa SAF 44 noong Enero 2015 na nagpababa sa damdamin at morale ng kapulisan ay tila nakabawi sila nang ilunsad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “Oplan Tokhang”, isang pambansa at malawakang kampanya laban sa droga, mga pusher at user ng droga. Subalit sa kasagsagan ng kampanya at sa panahong maigting na ito at nakikita na ang tagumpay sa kabila ng mga batikos ng ilang grupo ay bigla itong nabahiran ng kontrobersiya nang mabunyag ang mga “kriminal na gawain” ng ilang miyembro ng Anti-Illegal Drugs Group (AIDG), ahensiyang binuo ng PNP upang mamuno sa pagtutok sa laban sa ilegal na droga. Mismong mga tagapagpatupad ng batas ang dumukot at pumatay sa Koreanong si Jee Ick Joo kapalit ang salapi, sinundan pa ito ng ilang miyembro rin ng kapulisan na dumukot sa tatlo ring Koreano at hinuthutan ng P300,000 at ilan pang kaso ng extorsion o “ kidnap for ransom”.
Muling namantsahan ang imahe ng PNP at nagpababa sa morale ng mga hanay nito at nagdulot ng pag-aalinlangan at pangamba sa sambayanang Pilipino, kung dapat pa bang pagkatiwalaan ang kapulisan o hindi na. Hindi miminsan na nakaladkad ang imahe ng mga kapulisan sa mga kontrobersiya, subalit bilang isang organisasyon ay hindi maiiwasan na magkaroon ng pangloob na isyu at problema ang PNP, dahil bawat organisasyon na binubuo ng maraming magkakaibang indibiduwal ay hindi ligtas sa pagpasok ng mga taong masama o naging masama dahil sa paglikom na ng kapangyarihan sa likod ng pagiging alagad ng batas.
Mula pa noon ay patuloy ang ginagawang paglilinis sa hanay ng kapulisan, sa bawat pangulong naluluklok at bawat hepe na pinapaupo subalit patuloy pa ring may mga “bulok” na nahahalo sa organisasyon. Paano ba ang dapat na paglilinis at bakit may nagiging bulok na miyembro ng kapulisan? Totoo na may mga hakbang na ginagawa ang National Police Commission (NAPOLCOM) at may mga nasibak na rin, subalit nagdudumilat din ang katotohanan na may mga nagpapadrinong matataas na opisyal sa mga tiwaling pulis. Isa sa naging hakbang upang mapabuti at mapa-angat ang antas ng kapulisan sa bansa ay ang pagtaas ng kanilang sahod upang kahit papaano ay makaagapay naman sila sa uri ng pamumuhay na hinihingi ng pagkakataon. Subalit para sa ilang kawani ng organisasyon ay kulang pa rin ang kanilang sahod at mas malakas ang kaway ng madaliang pagkakakitaan kahit na sa masama at labag sa batas ito galing.
Napakasimple lang naman ang sagot sa paglilinis, balikan lang ang sinaunang bukal ng kaalaman – kung may nahalong bulok na kamatis sa isang basket ng kamatis ay kailangang tanggalin ito ito at itapon! Simple nga ito subalit para sa mga may masamang adhikain, ito ay mahirap. Kailangan talaga ang matibay at matatag na paninindigan ng mga namumuno sa PNP kasama na rin ang ilang ahensiya sa pagpapatupad ng mga alituntunin at tuntunin na napapaloob sa mandato ng kapulisan o pagiging alagad ng batas. Dahil kung mawawala na ang tiwala at kumpiyansa ng taong-bayan sa kapulisan ay kanino pa kami hihingi ng tulong? Sino na ang hihingan namin ng serbisyo at magproprotekta sa amin?
Iilan lang ang mga tiwaling pulis na ito laban sa mas nakakaraming matitino at tapat sa kanilang tungkulin, kaya hindi dapat bumaba ang tingin natin sa buong organisasyon bagkus ay tumulong din tayo sa paglilinis sa kanilang hanay sa pamamagitan ng pakikialam at pagsumbong sa anumang katiwalian na nangyayari at ginagawa ng ilang alagad ng batas. Ang paglilinis ay walang tigil na trabaho at ito ay hindi madali, kaya kailangan ang pagtutulungan kung nais natin ang matiwasay, tahimik at mapayapang lipunan. Pmcjr.

RELATED POSTS

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

Alinsunod sa Artikulo XV, Seksiyon 4 ng Saligang Batas, tungkulin ng pamilya na alagaan ang matatandang miyembro nito habang ang Estado ay...

NO STORY

NO STORY

Ang mga “informer” ay kadalasang ginagamit sa mga kaso ng organisadong krimen. Ayon sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC),...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest