BAGUIO CITY
Idinaos ang pampublikong konsultasyon tungkol sa “Amendment of the Baguio Sports Code”,patungkol sa bagong panukalang batas na naglalayong itaas o dagdagan ang mga insentibo na natatanggap ng mga mahuhusay na indibidwal sa sports, na ginanap sa Baguio Convention and Cultural Center, noong Abril 19. Sa dating panukala, ang
national level games tulad ng Batang Pinoy at Philippine National Games, ang mga atleta ay nakakatanggap noon ng
P20,000 para sa gold medal; P10,000 para sa silver at P5,000 naman sa bronze.
Sa bagong panukalang batas, layunin nitong doblehin ang mga premyo o insentibo na matatanggap nila na kung saan sa gold medal ay magiging P40,000: P30,000 sa silver at P20,000 sa bronze. Samantala, sa team sports ng national level games tulad ng basketball na may komposisyon ng 11-15 players, sa dating ordinansa ay nakakatanggap sila ng P60,000 para sa gold medalist, ngunit ngayon ay balak nilang itaas sa P80,000 ang premyo nilang makukuha. Sa silver medalist naman, mula sa P45,000 ay magiging P60,000 at magiging P40,000 naman ang bronze medalist.
Ayon kay Councilor John Rhey Mananeng, ng Sangunian Kabataan (SK) Chairperson,“Now this is the gist, saan ba mangagaling yung pondo na gagamitin natin dito so in Ordinance N0. 47 series of 2021, nakapaloob dito that it will be allocated annually as part of the budget for sports and recreation division. So sports and recreation division
galing po ito sa city now in the new proposed ordinance, new proposed amendment yung mga prices na nakita
natin annual allocation shall be appropriated for cash incentives in the Sanguniang Kabataan yearly or supplemental budget and shall be incorporated into the annual sports program of the barangay“.
Layunin ng ordinansang ito na palakasin ang suporta ng mga manlalaro at bigyan ng halaga ang kanilang tagumpay hinggil sa larangan national and international level ngunit pag aaralan pa muli ito ng city council patungkol sa badyet o fund upang mas mapabuti pa ang ordinansang ito at mabigyan ng sapat na suporta upang mapalakas at hikayatin ang mga atleta.
Raymond Macatiag/ UB-Intern/ABN
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024
September 29, 2024