May Nagtanong: Ano ang pananaw ng Islam hinggil sa pagdiriwang o kapistahan ng kapanganakan ni Jesu Kristo?
Deretsahan sagot: Ang kapanganakan ni jesu kristo, ito ay walang kaibahan sa pagdiriwang ng kapanganakan ni propeta muhammad s.a.w. ang mga ganitong uri ng selebrasyun ay hindi umiiral noong panahon ng propeta
muhammad s.a.w. at sa lahat ng kanyang mga kasamahan, kaya ang bawat bagay o gawain sa pagsamba na hindi isinasagawa sa panahon ni propeta muhammad s.a.w. ay hindi nararapat na ituring ito bilang pagsamba at bahagi ng
relihiyong Islam.
Ibinilin ng isa sa mga pantas na imam na si imam malik r.a. na sinomang magtangkang magdagdag ng mga bagong
gawain sa Islam ay tila ipinagpapalagay na ang propeta muhammad s.a.w. ay hindi tapat sa kanyang misyon, dahil sinabi ni Allah sa banal na Qur’an: “SA ARAW NA ITO AY IPINAGKALOOB KO SA INYO ANG INYONG RILIHIYONG ISLAM BILANG INYONG PAMAMARAAN AT GINAWA KO ITONG GANAP ANG AKING BIYAYA SA INYO AT PINILI KO ITONG RELIHIYONG ISLAM BILANG INYONG PAMAMARAAN”
Ang mga ganitong uring selebrasyun ay bahagi ng mga tradisyon ng mga kristiyano na bahagi ito ng tinutukoy ng
Islam na dapat iwasan, at hindi dapat pamarisan o gayahin, ang dapat natin sundin ay ang Qur’an at ang sunnah
(tradisyon ni propeta muhammad s.a.w. upang maligtas mula sa mga inobasyon… Ang pagdiriwang ng kapanganakan ni jesu kristo ay isang inobasyon ayun sa (ISLAM) katulad din ng iba sa mga muslim ay kanilang
ipinagdiwang ang kapanganakan ni propeta muhammad s.a.w.
Malinaw sa sinabi ni propeta muhammad s.a.w. “sinuman ang gumaya sa isang angkan ( QAWM) ay kabila sa
kanila … ang Islam ay mayroong mga tanging batas na ibinigay ni Allah at ipinahayag nito sa pamamagitan ng kanyang huling propeta na si muhammad s.a.w. sa tamang sukat, paraan, lugar, oras na itinakda ng Islam kung ito ay hindi susundin ng abot ng kakayahan ng mananampalataya kay allah ay ito ay magiging inobasyon o (bid-ah) na mahigpit ipinagbabawal ng propeta muhammad s.a.w. maliwanag mula sa kanyang pahayag “MAG-INGAT KAYO SA
MGA INOBASYON (mga bagong pamamaraan ng pagsamba) SAPAGKAT ANG LAHAT NG INOBASYON O
BINAGO NG PAMAMARAAN NG PAGSAMBA AY KALIGAWAN, AT ANG LAHAT NG KALIGAWAN AY PATUNGONG IMPYERNO.”
Sinabi pa ng maluwalhating ALLAH “ anomang ibinigay sa inyo ng sugo ay inyong panghawakan, at anomang
ipinagbawal sa inyo ay inyong talikdan o layuan “ At sinabi pa ni Allah sa Qur’an “At mag-ingat ang mga yaong lumalabag sa utos ng sugo ni Allah na dumating sa kanila ang sakuna o di kaya matinding parusa sa kabilang buhay … O Allah gawin mo kaming kabilang sa mga sumusunod sa sunnah ng iyong propeta muhammad s.a.w. at gawin mo
kaming kabilang sa mga hindi nag-iimbento ng mga bagong pamamaraan ng gawaing pagsamba sa tagapaglikha,
gabay at patnubay ang aming hinihiling sa inyo mahal naming Allah.
December 28, 2024
December 28, 2024
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025
January 18, 2025