Isang NPA, sumuko sa Ilocos Sur

STA. CRUZ, ILOCOS SUR – Isa na namang miyembro ng New Peoples Army na nagpapatakbo sa tri-boundaries ng Abra, Mt. Province at Ilocos Sur ang sumuko sa mga otoridad.
Si Ka Bojek, di tunay na pangalan at hindi pa bumabalik sa kaniyang pamilya, ay sumuko at ibinigay ang kaniyang US Caliber 30 Springfield M1 Garand rifle, ayon kay 81st Infantry Battalion commander Lt. Col. Eugenio Osias.
Ang rebelde, ayon kay Osias, ay dating miyembro ng Militia ng Bayan sa ilalim ng Kilusang Larangang Gerilya Montes ng Ilocos-Cordillera Regional Committee of the CPP-NPA, ang ika-walong rebeldeng sumuko sa kanila sa dalawang quarter lamang ng taong ito.
Ang dalawang rebelde ay nakumbinsing sumuko sa mga militar na nakadestino sa bayan ng Sta. Cruz, Ilocos Sur sa kalagitnaan ng Hunyo ngayong taon.
Ang lahat ng surrenderees ay nasa ilalim ng KLG “Montes”, dagdag ni Osias.
Sa salaysay ni Ka Bojek sa harap ng militar na ang tulong na natatanggap ng iba pang mga rebeldeng sumuko na mula sa Comprehensive Local Integration Program (CLIP) ng pamahalaan, mabuting pagtrato at ang seguridad na ibinibigay ng 81st Infantry Battalion sa mga dating NPA ang nag-udyok sa kaniyang sumunod.
Ayon kay Major General Angelito De Leon, commander ng 7th Infantry Division, “this is the time where the Army is gaining its momentum with the program reintegrating former rebels back to the mainstream of society.” “We must sustain the thrust,” dagdag pa niya.
Nangako naman ang mga militar sa Ilocos Sur na ipagpapatuloy pa rin nila ang pagtulong sa mga dating rebelde upang makapamuhay muli nang mapayapa.
Ayon naman kay Col. Henry Robinson Jr., commander ng 702nd Infantry Brigade, na ang paglaki ng bilang ng mga NPA surenderees sa ilalim ng KLG Montes “is a good indicator that the group is losing its strength thereby bringing peace and development to the tri-Boundaries of Abra, Mountain Province and Ilocos Sur.”
Nabanggit pa ni Osias “the increasing number of surrenderees (in our Area of Responsibility) is a clear manifestation that the 81st IB is continuing its mission of solving the internal security problem in a peaceful approach.” Ngunit nagbigay-babala na “we will focus our combat operations to the rebels who still choose violence.” ACE ALEGRE

Amianan Balita Ngayon