ILANG ARAW na lang, deklarado na ang mga kasali sa karera. Matatapos na rin ang mga paramdam. Pag naisampa na ang mga papeles, opisyal na silang kasama sa karera. Ating tinutukoy ang salpukang mangyayari para sa Halalan 2024. Alam naman natin na hirap na ang mga matang mugto sa pagtulo ng luha. Mantakin natin na noong Hulyo pa lang, taong kasalukuyan, isang damakmak silang umaarangkada na.
Parang mga kunehong paikot-Ikot sa oval, makaungos lamang sa linyang markado. Ang hirap ng pulos paramdam malapit na ngang matapos. Tutoldukan na. Ganoon nga ba? Maghunos-dili ang mga kandidato. Kapag naghain sila
ng kandidatura, opisyal na ang kanilang pagsali. Ang siste, hindi pa campaign period. Dahil sa ang eleksyon ay next May pa, 45 days prior and pormal na kampanya. Ano na yan? Naghain ka ng kandidatura, pero hindi ka pa pwedeng mangampanya?
Hindi ka pa maaaring kumamay-kamay, bumati-bati sa bawat masalubong upang makahikayat ng boto. Anong gulo ito? Paramdaman na naman? Patapik-tapik na naman? Hanggang mga pagbati na lamang ang maaaring gawin. Alam naman natin ang siste ng Pinoy style na kampanyahan- sige lang ng sige, Basta hindi hayagan. Kaya, mula sa paghain ng mga papeles para maging opisyal na kandidato, balik na naman ang panahon ng paramdam. Baka kasi masampahan ng reklamong premature campaigning. Kasangga, Kabalikat! Huwag po inyong kalimutan, mula ngayon hanggang Mayo 8, araw-araw birthday ko. Daan kayo sa bahay! Haay!
September 15, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
September 29, 2024