Kalusugan at karapatan ng kababaihan, tinalakay

LUNGSOD NG BAGUIO – Nagtulong-tulong ang University of the Cordilleras (UC), Department of Social Welfare and Development-Cordillera Administrative Region (DSWD-CAR) at Department of Health (DOH-CAR) sa pagsasagawa ng seminar sa women’s rights at reproductive health na ginanap sa Mutipurpose Hall, Baguio City Hall noong Marso 13, 2017 (Lunes).
Pinangunahan ni Melanie June P. Caleño, mula sa ahensya ng DOH-CAR, ang usapang reproductive health habang si Maria Elaine E. Labasan ng DSWD-CAR naman ang nagbigay impormasyon tungkol sa Magna Carta for Women.
Mula sa iba’t ibang barangay na mayroong organisasyon ng kababaihan ang dumalo sa seminar na ito.
“Yung mga participants natin ay yung target na mga women leaders, since they are the frontliners in the community para sa strengthening of the implementation of our law. So yun yung major objective kung bakit sila na-invite o kung bakit sila ang na-select para sa topics na Magna Carta at Reproductive Health,” ayon kay Melanie June P. Caleño, Nurse V ng DOH-CAR.
Mayroong tatlong pangunahing layunin ang mga ahensya sa nasabing aktibidad. Ito ay ang magbigay-kaalaman tungkol sa Magna Carta for Women o Republic Act (RA) 9710, pag-usapan ang reproductive health at responsible parenthood, at magbigay-inspirasyon at lakas sa kababaihan na maging kinatawan ng pagbabago sa pagtataguyod ng gender equality.
“Nakita namin na isang opportunity ito na imbes na seminar lang, for the requirements lang, we will join, we’ll contribute to the city. Kaya nga we are very thankful na din dito sa city, that they acknowledged us na inilagay sa official line-up yung activity natin,” ani Christian S. Dawawong, master of ceremony at organizer ng aktibidad mula sa UC. Melanie Z. Dela Cruz, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon