LUNGSOD NG BAGUIO-Bumaba ang kaso ng animal bite sa lungsod noong Pebrero kung saan nakapagtala ang Animal Bite Center-Baguio ng 617 kumpara sa 643 noong Enero.
Sa tala ng opisina, nangunguna pa rin sa listahan ang mga kalalakihan na biktima na umaabot sa 338 noong Pebrero at 334 noong Enero kumpara sa 588 na kabuuan ng mga babaeng biktima sa loob ng dalawang buwan.
Bagaman bumaba ang bilang ng mga biktimang may edad 15 pababa na may 220 mula sa 267, tumaas naman ang bilang ng mga biktimang may edad 16 pataas na umabot sa 397 noong nakaraang buwan kumpara sa 376 noong Enero.
Nangunguna pa rin ang kaso ng dog bite na may kabuuan na 1,008 kumpara sa 146 na cat bites at limang kaso ng iba pang hayop.
Nilinaw naman ni Dr. Gladys Bantog, Veterinary Officer II ng Baguio Veterinary Office, na maaaring tumaas ang bilang ng kaso ng animal bite sa pagsisimula ng tag-init. Nanawagan din siya sa mga residente na makiisa sa pagdiriwang ng Anti-Rabies Month kung saan may inilulunsad na free vaccination.
“Ang ultimate goal kasi is Rabies Free Philippines by 2020. And the requirement of the Bureau of Animal Industry is 70percent of the total dog population ang mabakunahan and it is higher in the region because the requirement is 80percent. And as of now, we have 60,000 estimated dog population in Baguio City so 70 to 80 percent, yun ang dapat na bakunahan natin,” pahayag niya.
Nanawagan din si Dr. Donnabel Tubera, Medical Officer IV ng Baguio Health Services Office, sa mga may alagang hayop tulad ng aso na ipabakuna ang kanilang mga alaga para mabawasan ang pagtaas ng kaso ng animal bite sa lungsod. Malou Aticao, UB Intern
March 11, 2017
March 17, 2017