Kaso ng leptospirosis, tumaas ng 32% sa Cordillera

Aug 20, 2018

Pinag-iingat ng Department of Health-Cordillera (DOH-CAR) ang mga residente sa rehiyon sa maaaring pagkakaroon ng leptospirosis dahil na rin walang humpay na pag-uulan matapos nilang maitala ang 32 porsyento na pag-akyat sa bilang ng mga biktima nito.
Ayon sa datos mula Enero 1 hanggang Agosto 4, 2018 na ibinigay ni Nurse Geeny Anne Austria ng DOH-Regional Epidemiology Surveillance Unit, nakapagtala na  sila ng 41 kaso ng leptospirosis, mas mataas kumpara  noong nakaraang taon na may 31 kaso lamang sa parehong panahon.
Nangunguna sa may pinakamataas na kaso ng leptospirosis ang Benguet na may walong kaso at isa na rito ang namatay. Tig-lima naman ang naitalang kaso sa Baguio City at Kalinga, tig-apat sa Apayao at Ifugao, dalawa sa Abra, isa sa Mt. Province habang 12 sa naitala ay mga dayo. Tatlumput-apat o 82.9 porsyento rito ay mga lalaki at may edad na 12-66 taong gulang.
Ang leptospirosis ay nakukuha sa kontaminadong ihi ng mga hayop tulad ng daga na maaaring naihalo sa tubig at ito ay naililipat sa pamamagitan ng skin contact.
Ilan sa mga sintomas ng leptospirosis ang biglaang pagkakaroon ng lagnat, panginginig, severe myalgia o lubhang pagsakit ng kalamnan (sa mga binti at hita), conjunctival suffusion na makikita sa pamumula ng mata at rashes.
Paalala ng DOH na ugaliing magsuot ng bota kapag susulong sa tubig upang maiwasan ang pagkakaroon ng leptospirosis. Iwasan rin ang paglangoy sa baha at palaging itapon ang mga naipong tubig ulan na walang takip at ang pagkokontrol sa pagkakaroon ng mga daga sa bahay.
Sa kabilang dako, bumaba naman ang kaso ng iba pang mga sakit tulad ng acute bloody diarrhea, acute viral hepatitis, hand, foot and mouth diseases (HFMD), influenza like diseases at typhoid/paratyphoid fever. JAYB B. NGATEG, UC INTERN / ABN

RELATED POSTS

UNITED VAW-FREE PHILIPPINES

UNITED VAW-FREE PHILIPPINES

The Cordillera Administrative Region kicks off the observance of the 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW) with a parade...

MOUNTAIN ENGINEERING SUMMIT 2022

MOUNTAIN ENGINEERING SUMMIT 2022

DOST-CAR on "Navigating the Alex of Mountain Resources through Science and Technology" with (L-R) Mr. Jose H. Dado Jr. - NEDA - CAR, Hon....

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest