KAUNA-UNAHANG FILM FESTIVAL SA PANGASINAN

LINGAYEN, Pangasinan

Inanunsyo ng pamahalaang lalawigan ng Pangasinan ang kauna-unahang ‘PANGAsine Film Festival’ na magaganap sa Mayo, na isa sa mga magiging highlights ng Pistya’t Dayat o’ Sea Festival. Sa pamamagitan ng ipinasang resolusyon ni Board Member Marinor de Guzman, ay naaprubahan ito noong Marso 12, para maging isang aktibidad
ang film festival. Ang tema ng PANGAsine ngayong taon ay “Pangasinan Through the Lens of the Pangasinense” sa hangaring makilala ang probinsya bilang isa sa creative hub sa bansa.

Ayon kay Pangasinan Information and Media Relations Officer Dhobie de Guzman, “The event hopes to source, curate, and exhibit 10 outstanding short films by homegrown filmmakers; conduct short courses (for students or individuals) in story writing, screen/scriptwriting, producing, directing, cinematography/principal photography, sound editing and design, film/video editing, and film appreciation.”

Magsasagawa ng mga filmmaking workshops upang maingganyo ang pagiging malikhain ng mga Pangasinense sa pamamagitan ng paggawa ng pelikula, matuklasan at palakihin ang kanilang talento, at lumikha ng makabuluhan at de-kalidad na mga pelikula na maipagmamalaking gawa sa Pangasinan. Ang nasabing film festival ay eksklusibo para sa mga residente ng Pangasinan. Maaaring magparehistro ang mga kalahok hanggang Marso 20 at limang
documentary at limang narrative entry lamang ang mapipili at iaanunsyo ito sa Marso 24.

Princess Stephanie N. Buraga/UBIntern

Amianan Balita Ngayon