TAMIS NG SINING, IPINAHAYAG SA STRAWBERRY ART COMPETITION

LA TRINIDAD, Benguet

Ipinakita ng 28 young artists ang kanilang talento sa pangguhit sa Art Painting Competition, na bahagi ng aktibidad ng Strawberry Festival, na ginanap sa Municipal Park, La Trinidad, Benguet, noong Marso 12. Dalawang representative sa bawat shool ang inimbita ni Municipal Engr.Benedict pineda, chairman of Arts Competition, para lumahok sa taunang kompetisyon. Ayon kay Pineda, layunin ng kompetisyong ito ay maibuhos ng mga estudyante
ang kanilang pagiging malikhain sa publiko at pagpapahayag ng sarili. “Strokes of their passion meets the canvas”.

Naka-sentro sa temang “La Trinidad: The Strawberry Capital of the Philippines (SIROM NI DUTING),” ang mga likha ng bawat kalahok. Nagbahagi naman ng kanilang obra sina Ane Janelle Muena at Harold Banario, mga inimbitahang propesyonal o’ bihasa sa pagpipinta. “Put yourself out there at practice every day kasi doon masasanay ang skills (ng isang artist),” mungkahi ni Muena para sa mga kabataang nagnanais ipagpatuloy ang kanilang pangarap maging artist balang araw. Habang “consistency is the key (to success)” ang iniwang mensahe ni Banario para sa mga kabataang artist, sapagkat “kung hindi ka consistent, mawawala yong passion mo” dagdag nito.

Nanguna ang likha ni Jae Zeia Ayban, grade 9 student ng King’s College of the Philippines. Pumangalawa naman si Lhoryn Daliones, grade 10, ng Benguet National High School at pangatlo naman si Jymee Pagaduan, Grade 12, ng San Jose School of La Trinidad, para sa pangatlong gantimpala. Ang unang gantimpala ay nakatanggap P6,000 pesos, habang ang pangalawang gantimpala ay P4,000 at P2,000 naman sa pangatlong gantimpala. Habang nag-uwi naman ng P500 at certificate ang ibang kalahok bilang consolation prize. Nakilala ang La Trinidad sa “Valley of Colors”, kaya “hindi mawawala talaga ang art competition event to showcase mga talents (at) mga artist dito” pahayag ni Pineda. “Lahat naman ng talent kailangan natin i-develop, so this is one way/an avenue where they can show their talent.”

Carl Agassi Paterno/UB-Intern

Amianan Balita Ngayon