LUNGSOD NG BAGUIO – Isa umanong lasing na konsehal sa bayan ng Dolores sa Abra kabilang ang isang lokal na opisyal ng COMELEC na inumpisahan ang Bagong Taon na “mali” ay maaaring tapusin ng mas maaga ang 2021 na mas masama.
Dumulog ang mga pulis kay Ombudsman Samuel Martirez upang parusahan sina Sangguniang Bayanmemeber Russ Marion Zapata at Election Assistant Ritchie Turqueza dahil sa Direct Assault, Robbery with violence, Grave Threat, at paglabag sa isang lokal na ordinansa na may kinalaman sa local curfew hours bilang safety protocol.
Ang mga kasama ng dalawa na nambugbog kay Patrolman Lowie Gie Itchon gabi ng araw ng Bagong Taon – Jaja Turqueza at Jongjong Talingdan ay kinasuhan din, ayon kay Cordillera police director Brig. Gen. RWin Pagkalinawan.
Sinabi kay Ombudsman Martirez na noong gabi ng mismong araw ng Bagong Taon ay minamaneho ni policewoman Phoebe Chumanao ang kaniyang motorsiklo sa sentro ng bayan nang marinig niyang may taong sumusigaw kaya agad siyang bumalik. Diumano’y nakita niya si SBM Zapata at isang kasama at pinaalalahanan sila sa 9pm-4am na curfew. Nairita si Zapata at pinagsalitaan ng masama ang babaeng pulis na dinuduro ito.
Umalis si Ghumanao at bumalik sa Dolores police station. Nang gabi rin yun habang magsasagawa ng mobile patrol sina Itchon at Chumanao ay muli nilang nakita ang grupo ni SBM Zapata sa isang mamihan at inulit ang paalala sa curfew hours ng bayan.
Sa halip ay sinuntok ni SBM Zapata si Itchon habang ang local election officer na si Turqueza, ang isa pang Turqueza at si Talingdan ay hinawakan ang mga kamay ng baguhang pulis. Kinuha rin ni Talingdan ang baril ni Patrolman Itchon mula sa gunholster at tinangay ito.
Pinangunahan ni Dolores acting police chief Lt. Eddie Gasmen ang pagsumite ng lahat ng sinumpaang salysay ng baguhang pulis kabilang ang kay Chumanao, at sinabi niya kasama ang lima pang opisyal ng police ng bayan kay Ombudsman Martirez na kailangang panagutan nina SBM Zapata, election officer Turqueza, at dalawa pang mga kasama ang Direct Assault, Robbery with Violence, Grave Threats at paglabag sa isang ordinance at protocol sa panahon ng national emergency.
Nagpila rin si Gasmen ng reklamong administratibo laban kina SBM Zapata at election officer Turqueza para sa grave misconduct at conduct prejudicial to be best interest of the service.
Kinondena rin ni Dolores Mayor Conde Turqueza sa publiko si Zapata sa kaniyang mga aksiyon habang hinahangad ni Governor Ma. Jocelyn Valera na maparusahan ang opisyal ng bayan kabilang ang mga kasama nito na sinabing ang kanilang mga ireponsableng aksiyon ay nakakahiya mas lalo pa sa panahong ito na ang probinsiya ay nakikipaglaban sa isang krisis sa kalusugan.
AAD/PMCJr.-ABN
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024