Konseho ng lungsod, nagiging katawa-tawa na ba?

Feb 17, 2018

Sa maraming taon na idinaraos ang “Market Encounter” na isang palamuti ng taunang selebrasyon Baguio Flower Festival o Panagbenga ay napapansin na ang usok na nagmumula dito. Usok na pinaghihinalaang may niluluto dito tuwing sasapit ang okasyon. Hindi maiwasan ng ilang malilikot ang pag-iisip na maghinala dahil sa kabila ng isang makahulugang pahayag na “parks are beyond the commerce of man”… ay pinapayagan pa ring ganapin ang ilang “piling” aktibidad dito.
Ginagawa ang “Market Encounter” sa Burnham Park at sa taong ito ay may 325 stalls na ang nakatayo at kabilang na rito ang isang carnival na naging ugat ng pagtatalo sa konseho ng Baguio. Sumobra sa mahigit 100 stalls na wala pang business permits at dahil sa pakiusap ng isang proponent ay pinayagan ito, siyempre may karagdagang bayad muli.
Dahil dito ay  nagkaroon ng mainit na diskusyon sa konseho at isinulong na ipasara ang mga naidagdag na stalls na hindi naman pinaburan ni Mayor Mauricio Domogan dahil nakabayad na ang mga ito sa Baguio Flower Festival Inc. (BFFI) at hindi sa City Treasurer’s Office.
Ang tanong ay, may karapatan ba o hurisdiksiyon ang konseho upang ipasara ang mga sobrang stalls at carnival? Sinabi ni Vice Mayor Edison Bilog na ang pag-apruba ng BFFI sa pagdaragdag at paglagay ng isang carnival sa Market Encounter ay isang insulto sa konseho at ang paghingi ng permiso ng proponent kay Mayor Domogan ay paglaktaw sa konseho.
Sinabi ni Councilor Elmer Datuin na karapatan ng BFFI na patakbuhin ang festival at pagsagawa ng bidding sa carnival na sinundan naman ni Councilor Faustino Olowan na walang kapangyarihan ang konseho na ipasara ang mga puwesto na tanging punong ehekutibo lamang ang may kapangyarihan.
Ayon kay Vice Mayor Bilog ay rekomendasyon lamang na ipasara ang ginawa ng konseho na agaran namang hindi sinang-ayunan ni Mayor Domogan.
May katuwiran sa isang banda ang tinuran ni Councilor Olowan na kung ang market encounter ay siyang pagmumulan ng hindi pagkakaunawaan at problema ay mas mabuti pang huwag na lang magdaos nito upang huwag naman masira ang imahe ng Panagbenga at ng lungsod… dahil kung hindi ito maaayos ay magmumukhang katawa-tawa ang konseho at mawawalan din ng pagkakakitaan ang maliliit na negosyante na nais lamang kumita kahit paano tuwing Panagbenga.
At kung hindi maampat ang usok ay baka maging apoy ito na lalagablab. PMCJr.

RELATED POSTS

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

SANA LAGING MAY GAMOT SA BARANGAY

Alinsunod sa Artikulo XV, Seksiyon 4 ng Saligang Batas, tungkulin ng pamilya na alagaan ang matatandang miyembro nito habang ang Estado ay...

NO STORY

NO STORY

Ang mga “informer” ay kadalasang ginagamit sa mga kaso ng organisadong krimen. Ayon sa United Nations Office on Drugs and Crime (UNODC),...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest