Pinasok diumano ng di pa nakikilalang suspek o mga suspek ang kuwarto ng isang pari sa pagitan ng Setyembre 12 hanggang 25, 2017 sa Lourdes Church, Kisad Road, Baguio City.
Iniulat ni Kelvin Pedro Basilio, 31 anyos, single, maintenance worker, tubong Poblacion, Bokod, Benguet sa Station 5 ng city police office bandang 10:45am ng Setyembre 25 ang diumano’y puwersahang pagpasok ng di pa nakikilalang suspek o mga suspek sa kuwarto ng biktimang si Rev. Fr. Mario Tambic, parish priest.
Ayon sa imbestigasyon, umalis ang biktima noong Setyembre 12 at nagpunta sa Vatican City, Rome. Subalit, bandang 9:30am ng Setyembre 25, nang puntahan ni Basilio ang kuwarto ng biktima ay natagpuan nitong ang main door at back door ay puwersahang binuksan o sinira gamit ang di pa alam na matigas na bagay at hindi pa malamang halaga ng nasira.
Ang cash na nagkakahalaga ng P9,816.35 sa magkakaibang denominations ay natagpuang nakakalat sa ibabaw ng kama habang ang personal na gamit ng biktima ay kumpleto sa cabinet.
Ang mga rumespondeng SOCO team na pinangunahan ni PCI Chester Nitron ay prinoseso ang crime scene at nakakuha ng dalawang latent fingerprints na isusumite sa crime laboratory. Ang kaso ay kasalukuyang nasa follow-up investigation.
September 30, 2017
September 30, 2017
April 19, 2025
April 12, 2025
April 5, 2025
April 5, 2025
March 22, 2025