Kuya patay sa kapatid sa matagal nang alitan ng pamilya

Isang matagal nang alitan ng pamilya ang nagbunsod sa pagtatalo ng magkapatid noong gabi ng Setyembre 23.
Napatay ang biktimang si Michael Baguilat, 58, driver, ng kapatid na si Robert, 46, driver, matapos nagpambuno ang mga ito sa kalsada sa Purok 13, Irisan.
Napag-alaman ng pulisya na ang dalawa ay parehong lasing nang nagkaroon ng pagtatalo dahil sa matagal nang alitan ng pamilya. Humantong ito sa away sa kalsada. Nagpambuno ang dalawa hanggang tinamaan ng biktima ang ulo ng kaniyang kapatid ng matigas na bagay, subalit naglabas ang suspek ng kutsilyo mula sa kaniyang bag at sinaksak ang kuya.
Ang biktima ay isinugod ni Jessica Baguilat, pamangkin ng biktima, sa Baguio General Hospital and Medical Center habang ang suspek ay boluntaryong sumuko sa pulisya.
Subalit ang biktima ay namatay bandang 1:19am ng Setyembre 25. ACE ALEGRE

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon