Lalaki arestado sa kasong frustrated murder

LUNGSOD NG BAGUIO – Dinakip ang isang lalaki matapos manaksak sa harap ng JS store Blackhouse, Bahong, La Trinidad, Benguet noong ika-29 ng Hunyo, 7:30 ng gabi.
Kinikilala ang biktima na si Raymond Waig Dackins, 28 anyos, single, manggagawa at nakatira sa Ambiong Dolan, Tublay, Benguet. Ang suspek ay si Benjie Magamba Pacio, 28 anyos, single, jeepney driver, tubong Ambiong Dolan, Tublay, Benguet at kasalukuyang nakatira sa Bahong, La Trinidad, Benguet.
Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis ng La Trinidad, ang biktima at ang suspek ay nagbibiruan habang sila ay nag-iinuman sa naturang store. Napikon ang suspek sa mga biro ng biktima kaya umuwi muna ito sa kanyang boarding house upang umidlip saglit.
Pagkalipas ng ilang oras ay bumalik ang suspek sa naturang lugar at nakipagtalo sa biktima dahil sa mga biro nito at agad nitong inilabas ang kanyang kutsilyo na may 11pulgada ang haba at sinaksak ang biktima nang dalawang beses sa may dibdib.
Sa tulong ng concerned citizen, agad dinala ang biktima sa Benguet General Hospital (BGH) dahil nawalan ito ng malay bunsod ng natamong sugat at nangangailangan ng medical treatment.
Inaresto ng mga pulis ang suspek at dinala sa Benguet Jail at nahaharap sa kasong frustrated murder. Aubrey Balindan, UC Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon