Lalaki, hiniwa ang leeg bago ninakawan

LUNGSOD NG BAGUIO – Isinugod sa emergency room ang isang lalaki dahil sa natamong malalim na hiwa sa leeg dakong 5:25 pm noong ika-24 ng Abril 2017.
Ito ay ayon sa ulat ni Darwin Viray, security guard ng Baguio General Hospital and Medical Center.
Nakilala ang biktima na si Jonathan Batore Pistola, single, 45, at nakatira sa Happy Homes Old Lucban, Baguio City.
Ayon sa biktima, pagkatapos uminom ng alak kasama ang kanyang mga kaibigan sa isang bar sa La Trinidad, Benguet ay pumunta sila sa isa pang bar sa Bokawkan Road, Baguio City, dakong 2am sa parehong araw at may nakilalang isang lalaki.
Natapos ang inuman bandang 5am at nagpasya nang umalis ang biktima kasama ang lalaki na kumuha ng taxi cab at dumeretso sa isang beauty salon sa Rajah Soliman Street na pag-aari ng biktima.
Nagpasya ang biktima na patulugin na lang sa sala ang lalaki at bandang 6am ay biglang inatake ng lalaki ang biktima at hiniwa ang leeg nito gamit ang isang matulis na bagay na nagsanhi ng pagkawala ng malay ng biktima.
Nagising na lang ang biktima dakong 3:30pm at wala na ang cellphone nito kaya naman humingi ito ng saklolo sa isang nagngangalang Andrea.
Pinuntahan ng pulisya ang bar kung saan nagtagpo ang biktima at suspek upang magsagawa ng imbestigasyon at pinag-aaralan din ang mga kuha sa CCTV upang makikilala ang suspek. Sarah Balagtas, UC Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon