P45,000 cash, inabo sa La Trinidad

LA TRINIDAD, BENGUET – Sa pagkasunog ng isang apartment sa Puguis, La Trinidad dakong 4:20 ng hapon ng ika-19 ng Abril 2017 ay tinatayang P45,000 na pag-aari ng dalawang tenant ang kasama ring inabo.
Nakilala ang mga biktima na sina Ramil Prenciong Besonia, 24, single, taga-Mandaluyong City, at Khristine Dela Torre Rocelio, 35, single at taga-Calamba Laguna na kasalukuyang nangungupahan sa nasunog na apartment.
Ayon kay Rocelio, nasa Maynila ito nang tumawag ang may-ari ng apartment upang sabihin na nasusunog ang kanilang kwarto kaya naman tinawagan niya si Besonia na magtawag ng bumbero ngunit pagdating nito ay humupa na ang sunog sa tulong ng kanilang mga kapitbahay.
Naitala sa mga nasunog ang non professional driver’s license, passport at P10, 000 cash na nasa loob ng maleta na pag-aari ni Rocelio habang P35,000, philhealth ID at mga damit ang nasunog na pagmamay-ari ni Besonia.
Ayon din sa Bureau of Fire Protection-La Trinidad, nagsimula ang sunog sa kwarto ng isang Jay Gecoso na empleyado sa naturang lugar. Sarah Joy Balagtas, UC Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon