Patay ang isang lalaki matapos itong tamaan ng kidlat sa Sual, Pangasinan noong Mayo 30, 2017 bandang 2:55pm.
Kinilala ang biktima na si Rolando Solamo Plaza, 23 anyos, single, isang bangus feeder ng Philippine Mega Fish Corporation, kasalukuyang nakatira sa Brgy. Baquioen Sual, Pangasinan, at tubong Brgy. Palengke, Caibiran, Biliran, Leyte.
Sa ulat mula sa Sual police station, ang biktima ay nagpapalit ng lambat sa isang fish cage kasama ang kaniyang katrabaho nang biglang direktang tinamaan ng kidlat sa katawan hanggang sa kaniyang binti na sanhi ng kaniyang pagkamatay.
June 4, 2017
June 28, 2025
June 23, 2025
June 23, 2025
June 14, 2025
June 8, 2025