Lalaki sugatan sa pamamaril sa Abra

BANGUED, ABRA – Naospital ang isang mekaniko matapos barilin sa Pag-ibig Subdivision, Calaba, Bangued, Abra dakong 10:30 ng gabi noong Hunyo 26, 2018.
Ayon sa initial na pagsisiyasat ng mga pulis ng Bangued Municipal Police Station na pinangunahan ni Police Chief Inspector Dominador de Guzman Jr., gamit ang isang upuan ay pinalo ng suspek ang noo ng biktima habang ito ay nagluluto.
Agad namang lumabas ng bahay ang biktima para humingi ng tulong sa mga kapitbahay pero muli nitong binalikan ang suspek at siya ay binaril sa tiyan.
Nagtamo ng gunshot wound sa tiyan at sugat sa kanyang noo ang biktima na kinilalang si Nickson Bernal Reyes, 24, binata, tubong Lacub, Abra at residente sa Calaba, Bangued, Abra.
Isinugod ang biktima sa Abra Provincial Hospital at kasalukuyang nagpapagaling.
Patuloy naman ang paghahanap ng mga pulis sa suspek na tumakas pagkatapos ng pamamaril. DEBORAH AQUINO, UC Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon