LANDSLIDE SA IFUGAO

Sa Ifugao, mga stranded na pasahero tinulungan ng mga kapulisan na naka-assign sa Lagawe MPS. Ayon sa Lagawe MPS, dahil sa maulang panahon ay nagkaroon ng landslide na tumabon sa bahagi ng kalsada sa Sitio Natuwolan sa Brgy. Cudog. Ang nasabing landslide ay nagdulot sa pagkaka-stranded ng mga motorista at residente na bumabyahe sa mga oras na yun. Agad naman nagdeploy ng mga taohan ang Lagawe MPS at kanilang tinulongan ang mga
stranded na mga residente na makatawid sa nasabing landslide. Kanilang inalalayan ang mga ito at tinulungan na buhatin ang mga bagahe hanggang sila ay makalampas sa landslide area. Samantala, patuloy naman ang road clearing operation sa nasabing lugar.

Amianan Balita Ngayon