EDUCATION ENHANCEMENT PROGRAM

Sa Mountain Province, bilang bahagi ng kanilang Education Enhancement Program (EEP), isang mag-aaral ang muling nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa mga kapulisan ng 2nd Mountain Province Provincial Mobile Force Company (MPPMFC). Ang EEP ay isang inisyatibo ng Mt Province PMFC na naglalayong tulungan ang mga
piling kabataan sa Mt. Province sa pamamagitan ng pagbibigay tulong pinansyal bilang suporta sa kanilang pag-aaral. Ang programa ay naglalayon din na hikayatin ang mga kabataan na manatili sa kanilang pag-aaral at upang maiwasan ang mga ito na mahimok ng Komunistang Teroristang Grupo. Sa kasalukuyan, ang 2nd Mt. Province PMFC ay may sinusuportahang walong (8) kabataan na nakakatanggap ng pinasiyal na tulong kada buwan sa ilalim ng kanilang EEP.

Amianan Balita Ngayon