LIBRENG BAKUNA SA HAYOP INILUNSAD NG CVAO

BAGUIO CITY

Sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month ngayong buwan, inilunsad ng City Veterinary and Agriculture Office ang libreng bakuna sa mga alagang hayop na aso at pusa sa siyudad ng Baguio.
Sa temang”March Is Rabies Awareness Month, Rabies-Free na pusa’t aso, Kaligtasan ng pamilyang
Pilipino” ay sinimulan ang programa noong Marso 2 hanggang Marso 30. Ang nasabing aktibidad
ay sakop ng City Ordinance No. 19, series of 2021 o The Responsible Dog Ownership Ordinance of the City of Baguio.

Ayon kay Dwyer Pocais, vaccinator, “Meron po tayong ordinance regarding sa rabbies national na po yon, pero yoong mandatory registration which is nire-require nila na lahat ng aso dito sa siyudad, iyan po yoong binabayaran na P50.” Nilinaw ni Pocais na ang babayarang P50 ay para sa
pagpa-parehistro ng mga alagang hayop. Habang ang vaccine at vaccination certificate ay mananatiling libre.

Dagdag pa ni Pocais, “Yong program natin ngayon is naisabay kasi ngayong March sa anti rabies month, pero yung program po nating anti- rabies vaccination is all year round pong ginagawa ng opisina sa lahat ng barangay natin dito sa Baguio.” Mahalaga ang pagpapabakuna ng mga alagang hayop dahil sa hindi tiyak na maaaring mangyari kung malingat lamang ang atensyon ng kanilang mga pet owners.

Ito ang dahilan kung bakit sinungaban ng mga pet owners ang ganitong pagkakataon. Ayon kay Melanie Ventura, isang pet owner at residente ng South Sanitary Camp, “Para iwas po sa anti-rabies para kapag nakagat ang sinuman ay safe po.” Dagdag pa ni Ruben Clavio, isa ding pet owner at residente ng South Sanitary Camp, “Kasi nangangagat nga ito eh. Pero kasi City Ordinance
we have to follow.”

Kung sakaling ikaw ay interesado, marapat lamang na isa alang-alang at pakatandaan na dapat siguraduhing malusog ang inyong mga alaga, hindi din umano papayagan na bakunahan ang buntis na hayop at hindi rin pwedeng magpabakuna ang nagpapadede ng isang buwan. Dalhin din umano ang vaccination card ng alaga, at kung sakali mang wala pa itong vaccination card, sila ay gagawa nito. “Sa mga pet owners na taga baguio, I suggest abangan ninyo social media page ng veterinary office regarding sa schedules ng bawat barangay. Lahat po ng barangay ay may kanya-kanyang schedule na,” dugtong pa Pocais.

Kate Madisson Lamigo-UB Intern/ ABN

Amianan Balita Ngayon